• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, First Lady Liza bibisitahin ang Germany, Czech Republic sa susunod na linggo

NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Germany at Czech Republic sa susunod na linggo.

 

 

Inimbitahan kasi si Pangulong Marcos ni German Chancellor Olaf Scholz para sa Working Visit sa Germany, at ni Czech President Petr Pavel para sa State Visit sa Czech Republic.

 

 

Ang nasabing back-to-back visits ay mula Marso 11 hanggang 15, 2024.

 

 

Makakasama ng Pangulo ang kanyang asawa na si  Unang Ginang Maria Louise Araneta-Marcos

 

 

Makakapulong naman ng Pangulo si German Chancellor Olaf Scholz sa Berlin. Sa Czech Republic, makakapulong naman ng Punong Ehekutibo ang apat na pinuno ng Czech government na sina President Petr Pavel at PrimeMinister Petr Fiala, at mga pinuno ng Czech Parliament na sina Senate President Miloš Vystrčil at Pangulo ng Chamber of Deputies na si Markéta Pekarová Adamová.

 

 

Ang biyahe ng Pangulo sa dalawang Central European nations ay kasunod ng pagbisita sa Maynila ni Czech Prime Minister Petr Fiala noong April 2023 at German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock noong January 2024. Layon nito na palakasin ang bilateral relations at pangalagaan ang Lumago ng pagtutulungan ng dalawang bansa.

 

 

Sa magiging biyahe pa rin ng Punong Ehekutibo sa Germany at Czech Republic, makakapulong ni Pangulong Marcos ang mga kilalang business leaders para palakasin ang oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan.

 

 

Magkakaroon din ang Pangulo ng pagkakataon na makapulong ang Filipino communities na nakatira sa Germany at Czech Republic para personal na ibahagi sa mga ito ang mga plano at programa ng administrasyong Marcos para sa OFWs at pagtibayin ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa pagsuporta sa mga Filipino sa buong mundo.

 

 

Matatandaang kapwa nagdiwang ang Pilipinas at Czech Republic ng kanilang ika-50 taong anibersaryo ng bilateral relations noong nakaraang taon at nakatakda namang gunitain ng Pilipinas at Germany ang ika-70 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng mga ito ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • ‘BLACKPINK World Tour’ earns rated PG; other films showing this week earn R-13 and R-16 rating

    FILIPINO and foreign fans of the iconic Korean pop girl group “BLACKPINK” will experience fun and thrill anew as the group’s concert has earned a PG (Parental Guidance) rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).         A PG classification advises parents or supervising adults that the film may […]

  • Mahigit sa $1 billion investments sa Pinas, inanunsyo ng Kalihim ng US Commerce

    DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies.     Si Raimondo, nangunguna sa high-level Presidential Trade and Investment Mission, nakipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Philippine economic team sa kanyang […]

  • COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT

    MAGDARAOS ng tatlong araw na  Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023.     Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.     Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang  Comelec sa lahat ng civil society organizations,  […]