• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, gusto ang mas mataas na service recognition incentive sa public school teachers

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na pagtulungan na mabigyan ng mas mataas na Service Recognition Incentive (SRI) ang mga public school teacher.

 

 

 

Layon ng pamahalaan ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na itaas ang SRI para sa 1,011,800 DepEd personnel mula sa kasalukuyang P18,000 hanggang P20,000.

 

 

 

Kapuwa inatasan ni Pangulong Marcos ang dalawang departamento na i-explore ang budgetary measures para igarantiya na ang karagdagan sa SRI para sa mga DepEd personnel ay maaaring ipatupad habang nananatiling alalahanin ang mga responsibilidad sa pananalapi.

 

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Education Secretary Sonny Angara si Pangulong Marcos sa naging direktiba nito na kanyang inilarawan bilang “morale booster” para sa mga nagtuturo.

 

 

 

“This initiative underscores our shared goal of empowering teachers and reinforcing their critical role in shaping the future of Filipino learners,” ayon kay Angara.

 

 

 

Samantala, asahan na ang mas marami pang anunsyo ukol sa implementasyon at timeline para sa pagdaragdag sa SRI lalo pa’t isinasapinal na ng departamento ang kinakailangang funding mechanisms.

 

 

 

Ang SRI ay ‘yearly financial incentive’ na ipinagkakaloob sa mga empleyado ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa kalidad at agarang pagtugon sa serbisyo publiko. (Daris Jose)

Other News
  • Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games

    BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.     Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong […]

  • THE HIGHLY-ANTICIPATED LIVE-ACTION ADAPTATION OF ‘THE PROMISED NEVERLAND’ TRAILER IS OUT

    THE trailer to the highly-anticipated live-action adaptation of The Promised Neverland is finally here, a few months before it premieres in Japanese cinemas this December! Watch it below: https://www.youtube.com/ watch?v=1oiXaPeXCbo&feature=emb_logo   The Promised Neverland centers on a group of orphans who live a good life at the Grace Field House. That is until two kids […]

  • Pinas, Italy inaasahang pag-uusapan na pagbutihin pa ang military cooperation – envoy

    INAASAHAN na pag-uusapan ng Pilipinas at Italy ang pagpapalakas sa ugnayan sa pagtatanggol.     Ito ang sinabi ni  Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente kasunod ng pagdating ng Italian navy ship Francesco Morosini sa Maynila para sa isang “goodwill visit.”     Sinabi ni Clemente, kapwa  ginagawa ng dalawang panig ang makakaya nito […]