• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.

 

 

Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na ang mga magsasaka ay sasailalim sa pagsasanay sa kung paano ang tamang paggamit ng biofertilizers.

 

 

“We are totally dependent on petroleum-based fertilizer. Now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang Biofertilizers ay natural fertilizers na binubuo ng  living microorganisms. Ginagamit ito upang suportahan ang paglago ng halaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng  nutrient supply sa lupa.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang  biofertilizers ay gagamitin bilang alternatibo dahil sa mataas na presyo ng common fertilizers at alalahanin ng availability nito.

 

 

Aniya pa, nagpakita ng “promising” results ang ginawang trials ng DA sa  biofertilizers.

 

 

“Kayang-kaya raw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan. And furthermore, there are many technologies from UPLB (University of the Philippines – Los Baños), from the other SUCs (state universities and colleges), the agricultural colleges. Marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer,” aniya pa rin.

 

 

Magkagayon man, nilinaw naman ng Punong Ehekutibo na maaari pa ring gumamit ang mga magsasaka ng non-organic at petroleum-based fertilizers, lalo na ang  urea.

 

 

“Now, there will still be a mix. Hindi mawawala ‘yung urea, hindi mawawala ‘yung mga non-organic. But we will lessen our dependence on importation when it comes to fertilizer supply,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, target ang 10% ng sasakyan ng gobyerno na maging electric

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 10% ng government service vehicles ay maging electric powered.     ‘Yes, targeting 10 percent of the fleet should be electric vehicles. Mayroon siyang pinasang inter-agency na led by the Department of Energy, and nandoon din iyong DBM (Department of Budget and Management) para maayos iyong procurement […]

  • KC, isa lang sa sobrang proud at palaging nakasuporta: MIEL, matapang na inamin na belong siya sa LGBTQ+ community

    MATAPANG na inamin ni Miel Pangilinan, bunsong anak na babae nina Megastar Sharon Cuneta at former Senator Kiko Pangilinan na she is a member of the LGBTQ+ community.   Sa isang mahabang post sa kanyang IG account (@mielpangilinan) ay inamin ni Miel na belong siya sa Pink Community:   “this june, i am celebrating my […]

  • Mga panukalang batas, ipinasa ng Kamara

    Inaprubahan ng Kamara ang iba’t ibang panukala sa ikalawang pagbasa bago nagdeklara ng pagsasara ng sesyon para sa pagdiriwang ng Pasko.   Isa na rito ay ang House Bill 8097 na naglalayong gawaran ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents.   Ang mga kuwalipikadong solo parents ay maaaring makinabang ng karagdagang 10% diskwento, sa pagbili […]