• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad ang maagang pagsisimula ng P100-M JOLO AIRPORT PROJECT

ITINUTULAK ng gobyerno ang agarang implementasyon ng P100-million Jolo Airport Development Project sa Sulu.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng aspeto ng

 

 

 

‘major infrastructure’ na ginagawa ay nakaayos na upang sa gayon ay makapagsimula na sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

“Kasabay ng pagbibigay namin ng ayuda ay ang magandang balita tungkol sa ating pagsusulong para sa Jolo Airport Development Project,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang distribusyon ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.

 

 

 

 

“Kasalukuyan na po nating binabalangkas ang lahat ng kinakailangan para masimulan na ang proyektong ito at may nakahanda po tayong isandaang milyong piso na para pagsimulan nitong project na ito,” dagdag na wika nito.

 

 

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang okasyon, iniulat din ng Chief Executive na pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang maritime patrols sa pamamagitan ng Sulu Maritime Police Station para tugunan ang illegal fishing.

 

 

 

 

Tinawagan din nito ang Sulu local government na suportahan ang kampanya ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mangingisda.

 

 

 

 

“Mga kababayan, maka-aasa kayong tutuparin namin ang aming pangakong matulungan kayong lahat, lalung-lalo na ang mga magsasaka, ang mga mangingisda, at ang [inyong mga] pamilya upang masabi naman natin na may pag-asang makamit ninyo ang mas maginhawang pamumuhay,” ayon sa Pangulo.

 

 

 

 

“Siguraduhin din ninyong [napangangalagaan nang] wasto ang ating kalikasan at huwag abusuhin ang paggamit ng ating mga [pinagkukunang-yaman],” dagdag na wika nito.

 

 

 

 

Sa kabilang dako, kabilang naman sa Jolo airport project ang konstruksyon ng Passenger Terminal Building ng airport, perimeter fence, administration building, relocation/construction ng fire station building, ‘site acquisition’ para sa runway extension nito at pagwawasto sa runway strip width.

 

 

 

 

Nagpapatuloy naman ang pagpo-proseso sa Memorandum of Agreement kasama ang provincial government para sa project implementation ay nagpapatuloy.

 

 

 

 

“This developed as reports of illegal fishing activities such as the use of dynamite and cyanide are still rampant in Sulu waters. Many fishing vessels are also operating without necessary permits, ” ayon sa ulat.

Other News
  • Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong

    HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.     Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.     Subalit, nabigo namang maipasa ang […]

  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • VICE, tahasang sinabi na mga ‘ganid’ at ‘masasamang loob’ ang nasa likod ng pagpapasara ng network

    MARAMI sa mga Kapamilya stars, mga taga-news at mga empleyado ng ABS-CBN ang nag-post sa kanilang social media noong May 5.     Isang taong anibersaryo na kasi simula nang tanggalan ng free TV ang network at hindi i-renew ang prangkisa.  Libo-libo ang nawalan ng trabaho habang ang iba ay piniling magpatuloy at ang mga shows […]