• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad magkaroon ng lupon para sa Fund for Responding to Loss and Damage na naka- base sa Maynila

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Fund for Responding to Loss and Damage (FRLD) sa Pilipinas pagdating sa pagtugon sa masamang epekto ng climate change.

 

 

 

Kaya nga, nais ng Chief Executive na ang Board o Lupon ay nakabase sa bansa dahil sa mahalagang papel nito sa pagtulong sa Pilipinas na pagaanin ang epekto ng climate change.

 

 

 

“We’re working very hard for the board to be based here in Manila because [of] its supreme importance for the Philippines, because of all of the risks that we are bracing [for], because of climate change,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos niyang mainit na tanggapin ang Board ng FRLD sa isang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Disyembre 2.

 

 

 

Sa nasabing pulong, binanggit ni Pangulong Marcos ang mga natural disaster na tumama sa Pilipinas sa nakalipas na ilang linggo, sinabi pa rin niya na ang bilang ng mga kalamidad na tumama sa bansa ay hindi pa nangyari simula pa sa kalagitnaan ng 1940s.

 

 

 

“The momentum since the industrial revolution is something that can’t be easily be moved or stopped or at least redirected. In the meantime, I hope all of you can find solution so that, we in the Philippines, most of our people do not suffer,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

 

“That’s how urgent we consider the board’s work and how it is important to us that you work here in Manila, in the Philippines,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office, ang board ng FRLD ay magsisilbi bilang principal decision-making body na gagabay at mangangasiwa sa Fund.

 

 

 

Kinabibilangan ito ng 26 na miyembro mula sa Conference of the Parties (COP) at Meeting of the Parties to the Paris Agreement (CMA), na mayroong 12 miyembro mula sa ‘developed country parties’ at maging 14 na miyembro myla sa ‘developing country parties.’

 

 

 

Kung matatandaan, nakakuha ang Pilipinas ng puwesto sa board bilang permanent representative ng Asia-Pacific Group para sa taong 2024 at 2026 at bilang alternate representative ng Asia-Pacific Group for 2025.

 

 

 

Samantala, kabilang naman sa mandato ng Fund ay ang tutukan ang pagtugon sa ‘loss and damage’ para tulungan ang mga ‘developing countries’ partikular na ang mga mga bansa na tinamaan ng masamang epekto ng climate change. (Daris Jose)

Other News
  • METRO MANILA FILM FESTIVAL 2020 ONLINE REVEALS PRICE & PLATFORM

    EARLIER last month, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the annual Metro Manila Film Festival (MMFF) will stream online.   We all know, watching films from the MMFF lineup has become part of Filipinos’ Christmas traditions.   But since we’re well aware of the risks regarding Christmas parties and other social gatherings, we […]

  • PBBM, hangad na makapagpatayo ng mas maraming barangay health centers

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagpatayo pa ng mas maraming health centers sa  mga rural area.     Inihayag ng Pangulo ang plano niyang ito habang nagsasagawa ng pag-inspeksyon sa disenyo ng pasilidad na tinawag na “Clark Multi-Specialty Medical Center” sa Pampanga.     Layon ng proyekto na magdala ng specialized healthcare sa […]

  • 3 drug suspects tiklo sa halos P.4M droga at baril sa Caloocan

    UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong mga suspek […]