• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM hiling mas pinalakas na pagtutulungan ng ASEAN-US

UMAPELA si Pangulong Bongbong Marcos na mas paigtingin pa ang pagtutulungan sa pagitan ng ASEAN at United States (US) para maharap pa ang mga isyung may kinalaman sa maritime security at transnational crime.

 

 

Sa pagsasalita ng Pangulo sa 10th ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia, iginiit ni Marcos ang patuloy na pagtutulungan ng mga bansang miyembro ng ASEAN para malabanan ang illegal na pangingisda.

 

 

Gayundin ang pagbabantay sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan para hindi na lumala pa ang polusyon sa dagat.

 

 

Kasabay nito pinuri naman ni Marcos ang adbokasiya at mga proyekto ng Estados Unidos na labanan ang transnational crime, terrorism at human trafficking.

 

 

Hiniling din niya ang pagpapatuloy ng capacity-building programs para sa mga alagad ng batas sa pamamagitan ng International Law enforcement Academy gayundin ang Senior Officials’ Meeting on Transnational Crime.

 

 

Si Marcos ay dumadalo sa 40th at 41st ASEAN Summit and related summits sa Cambodia. (Daris Jose)

Other News
  • MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

    INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.     Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]

  • Holistic approach, nais ni PBBM sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Pinas—Balisacan

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President […]

  • ‘Honest mistake’ – Mayor Abby

    Humingi ng paumanhin kahapon si Makati City Mayor Abigail Binay kaugnay sa viral video ng isang volunteer nurse na hindi naiturok ang lamang COVID-19 vaccine sa isang indibidwal.     Ani Mayor Abby, isang honest mistake ang nangyari na agad namang naitama.     “We acknowledge the video, it was a human error on the […]