• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, idineklara ang Misamis Occidental bilang ‘INSURGENCY-FREE PROVINCE’

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang Misamis Occidental bilang isang “Insurgency-Free Province”.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang malakas na ‘political will at mahigpit na pagtutulungan ng mga law enforcement agencies ang naghatid sa pagtatapos ng communist rebellion at terrorist activities sa lalawigan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Tangub City Global College (TCGC) sa Tangub City, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang 60 barangay na minsan nang naapektuhan ng Communist Terrorist Groups’ (CTGs) sa Misamis Occidental ay malaya na mula sa kanilang impluwensiya.

 

“We are gathered here today to celebrate a historic occasion, one that also took time in the making, the declaration of Misamis Occidental as an Insurgency-Free Province,”ang sinabi ng Pangulo sa mga residente ng Barangay Maloro, Tangub City.

 

 

“After years of consistent and resolute security, peace, and community-building, we have succeeded in our campaign to end the decades of conflict in the sixty barangays in your province that were once in the clutches of insurgent movements,” aniya pa rin.

 

Binigyang kredito naman ng administrasyon ang pagkawala ng CTGs-related violence sa neutralization ng key leaders ng grupo sa Misamis Occidental at Zamboanga del Sur sa first half ng 2024 sa Ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos.

 

Ang lumalagong bilang ng mga indibiduwal na pinili ang mapayapang daan at ang paghina ng armed rebellion ay nakapag-ambag din sa mapayapang kalayagayan ng lalawigan.

 

“We have successfully dismantled the key leadership of the former insurgents operating in Misamis Occidental, which have now led to their reintegration into society,” ang winika ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang community development at reintegration programs para sa mga nagbabalik-loob sa batas.

 

 

Tinatayang 51 barangay sa Misamis Occidental ang nakinabang mula sa Barangay Development Program (BDP) sa pagitan ng 2021 hanggang 2023.

 

 

“As of September, the Marcos administration completed 46 projects, including 44 farm-to-market roads (FMRs) and two other infrastructure projects involving the construction and development of roads and bridges in the province,” ayon sa ulat.

 

Idinagdag naman ni Pangulong Marcos na may 17 bagong proyekto ang nasa pipeline – siyang ang nakatuon sa improvement ng water supply systems at walo naman sa improvement ng health stations, rural electrification at rehabilitasyon ng mga eskuwelahan. (Daris Jose)

Other News
  • Hindi pagsama ni Sen. Marcos sa admin slate, OKs lang kay PBBM

    “THAT’S fine. That’s her choice.”     Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa naging desisyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na hindi sasama sa administration senatorial slate.   Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na maaari namang sumama ang kanyang kapatid sa kampanya ng […]

  • Sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng Puregold: JUSTIN at EJ, kasama sa nagkuwento ng kanilang tagumpay sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’

    SA pagdiriwang ng ika-25 na taon sa industriya ng retail ng Puregold, isang mahalagang layunin ang ibida ang ‘Panalo Stories’ sa mga suking Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.   Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, […]

  • Ads October 23, 2021