• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ikakasa ang Digital Media Literacy drive kontra fake news

MAGPAPATUPAD  ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ng  Digital Media Literacy campaign ngayong taon. 
Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO)  Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas  habang isinasagawa ang  CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying Ahead! Ensuring Women and Girls a Safe Online Experience,  isang side event sa 67th Session ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa UN headquarters sa  New York.
Sinabi pa ni Maralit na inatasan ng Philippine Congress ang PCO na tugunan ang lumalagong  concern ukol sa “misinformation at disinformation” lalo na sa  digital landscape.
“Backed by the budgetary support from the Philippine Congress and its confidence in the leadership of the PCO, we took the opportunity to develop mechanisms through which we can bring the online experiences of females  of all ages into focus,” ayon kay Manao.
Sinabi pa ni Manalo na  “crucially, in this age of plenteous and insistent information, the rights of women and girls continue to be undermined by disinformation and misinformation.”
“The PCO, therefore, is positioning itself as a pillar that upholds the rights and welfare of women and girls through a Digital Media Literacy Campaign that will focus on our most vulnerable communities,”  ani Maralit.
“Taking a context-based and factual grassroots approach, we intend to reach out to, and equip, these communities with knowledge and skills and tools that will enable them to be discerning of the truth as they engage in various social media channels and platforms,” dagdag na pahayag ni Maralit.
Tinuran pa ni Maralit na  ang two-fold path ay may kinalaman sa aktibong kolaborasyon ng  PCO sa pribadong sektor, kasama na ang mga stakeholders ng  broadcast industry, para magtatag ng epektibong mekanismo laban sa  fake news.
Gagabayan naman ng PCO ang publiko patungo sa “place of  strength” kung saan may kakayahan na maunawaan at ma- identify  ang mali, incomplete o inaccurate information.
“We will work to improve the citizenry’s ability to think critically and analyze information. The first step towards this end is identifying reliable and credible sources of information,” ani  sabay sabing wish o hangad ng tanggapan na makamit ang “goal with both sensitivity, balance and respect for constitutional rights.”
Sinabi pa ni Maralit na masusing pag-aaral  ang isasagawa ngayong buwan sa buong Pilipinas, ito’y sa pamamagitan aniya ng “thorough study will be conducted this month throughout the Philippines, which seeks to refine the target communities where media literacy is most needed; determine the social media platforms through which these communities are most susceptible to fake news; and identify the contents and topics on which these misinformation and disinformation focus.”
“The study also hopes to identify the profiles of fake news peddlers; understand the influences that open these communities to deceptions and understand the practices and habits of the target communities that create the opportunities for exposure to disinformation and misinformation,” ayon sa ulat.
“When we have gathered the results of this study, expectedly by the middle of this year, we will be implementing a nationwide media literacy campaign that will focus on the areas identified,”ang pahayag ni Manalo.
Sa pagtatapos ng taon, sinabi ni Maralit na isasara ng PCO ang kampanya  na may Media Literacy Summit, kung saan ang mga tagapagsalita ay mula sa organisasyon gaya ng  Facebook, Google, at Philippine Commission on Women, at iba pa,  “in the hope that they will share equal commitment to this cause.”
Iniulat pa ni Maralit na ang mga piraso ng batas ay ipinakilala kapuwa sa Kongreso at Senado.
“The measures seek to institutionalize the effort of our Department of Education to include Media and Information Literacy (MIL) as a core subject in the current curriculum of basic and secondary education,” ayon kay Maralit.
TInalakay naman ni Maralit  ang mga  hamon sa pagsama ng  MIL sa basic education curriculum, gaya ng  misconception ukol sa MIL course bilang  educational technology-related subject, kakulangan ng pagsasanay para sa MIL teachers, at ang pangangailangan na ikonsidera ang  MIL  bilang core subject ng tertiary education institututions (TEIs).
“The PCO shall work with the public [education] sector to help address these challenges,” anito.
“We need the help of MIL experts, specialists, and established organizations to lend their strengths and help us in achieving the kind of Filipino society we wish to see where all are free to realize their best,” diing pahayag ni Manalo. (Daris Jose)
Other News
  • Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo

    HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon.     Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato.     Move on na raw […]

  • Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA

    OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza.       Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila.     Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]

  • Ads September 12, 2020