PBBM, inaasahan na pipirmahan ang 2025 budget bago mag-Pasko —PLLO
- Published on December 10, 2024
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025 bago ang araw ng Pasko.
”Yes, kasama… kasama na ‘yung sa budget. Siguro ano, before Christmas,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Leandro Mendoza nang tanungin ukol sa inaasahang petsa ng budget signing.
Sa kabilang dako, isang joint technical working group (TWG) ang binuo para ibuod ang ‘disagreeing provisions’ ng bersyon ng bill ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalaman ng national budget para sa taong 2025.
Ang pinal na bersyon ng 2025 national budget ay idedetermina ng bicameral conference committee.
“Once they report it out, it will be ratified by both houses of Congress,” ayon sa PLLO.
Sa oras naman na maratipika, ang batas ay ipadadala sa Malakanyang para repasuhin at aprubahan ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Highlights ng intimate ceremony ibinahagi ni Marco: JASON, ikinasal na kay VICKIE after mag-propose last year
KINASAL na sina Jason Abalos at Vickie Rushton noong September 1. Si Jason, na kasalukuyang umuupong provincial board member in Nueva Ecija ay nag-propose kay Vickie noong September 2021. Ang kaibigan ni Jason na si Marco Alcaraz ay nag-share ng ilang highlights sa intimate ceremony ng newly-weds sa kanyang Instagram account. […]
-
StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba na-trauma nang ma-infect ng COVID-19
Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas-loob ang host ng GMA infotainment show Ang Pinaka na si Rovilson Fernandez na bumiyahe sa US para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Lumipad siya patungong San Jose, California last December 5 dahil naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya na magkakasama silang lahat tuwing Pasko. […]
-
Vander Weide believes Petro Gazz has firepower to match Cignal
Dahil sa matinding pagkatalo sa Creamline sa kanilang semis opener, alam ng import ng Petro Gazz na si Lindsey Vander Weide na kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa koponan upang palakasin ang kanilang moral bago ang kanilang laban laban sa second-seeded na si Chery Tiggo. Kaya, bago ang laro, hiniling ng […]