• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inalala ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pinoy sa Hawaii

INALALA ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Filipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986.

 

 

“I wouldn’t be here were if not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had nothing,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call  ng mga opisyal at miyembro ng  Filipino Chamber of Commerce of Hawaii (FCCH) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Matatandaang, lumipad patungong Hawaii ang pamilya Marcos matapos ang EDSA People Power Revolution noong  1986 at nanatili roon hanggang sa pumanaw ang dating Pangulong  Ferdinand E. Marcos Sr. noong 1989.

 

 

Sa nasabi pa ring meeting, tinalakay ni Pangulong Marcos sa  mga miyembro ng FCCH  ang inisyatiba ng administrasyon na panatilihin ang  post-pandemic growth momentum ng bansa.

 

 

Ang  FCCH ay kinukonsidera bilang  isa sa pinakamalaki at pinakalumang Filipino chambers sa Estados Unidos, nagbibigay suporta sa mga Filipino entrepreneurs sa Hawaii.

 

 

Nagbibigay din ang organisasyon ng regular networking meetings, valuable workshops at outreach trade missions sa Pilipinas.

 

 

Nauna rito, sa  official Facebook page nito, ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS)  ang mga larawan ng naturang  courtesy call.

 

 

“Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Palasyo ang mga opisyal at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii (FCCH) sa isang courtesy call ngayong araw, Oktubre 24,” ayon sa OPS. (Daris Jose)

Other News
  • Price ceiling sa bigas, band-aid solution lamang

    Tinuligsa ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang takdang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na isang pansamantalang solusyon sa malaking problema sa presyo nito.     Ayon sa mambabatas, hindi dapat pansamantala lamang kundi isang mas komprehensibong solusyon ang ipatupad sa problema.       “The release of […]

  • Nobita and Shizuka get married in ‘Stand By Me Doraemon 2’

    “THIS is not a drill!”     Nobita and Shizuka from the classic anime “Doraemon” are finally getting married!     “The long wait is over for Doraemon ! Stand by Me Doraemon 2 will be shown FIRST at SM,” according to the announcement of SM Cinema.     The film will have a Fan […]

  • Launching ni BEA bilang Calendar Girl, mabilis na nag-trending sa socmed; tinanggihan noong unang i-offer

    MABILIS na nag-trending sa social media ang launching ng Kapuso actress na si Bea Alonzo as the new Tanduay Calendar Girl for 2022.        Sa interview kay Bea, hindi pala first time na nag-offer sa kanya ang produkto na maging calendar girl nila, pero hindi niya tinanggap dahil parang hindi pa iyon ang […]