• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inirekomenda si Cheloy Garafil bilang MECO board chairman

INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

 

Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito.

 

Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Garafil bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan kapalit ni Silvestre Bello III.

 

Bago pa naging PCO secretary, Nagsilbi muna si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary.

 

Matatandaang, Hunyo 2022, itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Nagsilbi rin siya bilang service director ng Committee on Rules of the House of Representatives. Bukod dito, Nagsilbi rin siya bilang taga-usig para sa Department of Justice (DOJ) at State Solicitor para sa Office of the Solicitor General (OSG). (Daris Jose)

Other News
  • Ekonomiya ng Phl lumago ng 7.1% sa Q3 ng 2021

    Bahagyang lumago ulit ang ekonomiya ng Pilipinas para sa third quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).     Pero ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal ang paglago ng ekonomiya noong third quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa naunang period.     Ito ay dahil na rin sa reimposition ng […]

  • Papasukin na rin ang mundo ng pulitika: JOAQUIN, pinagtanggol si ISKO sa isyung ‘puppet’ ng isang politician

    KUMPIRMADONG papasukin na ang mundo ng pulitika ni Joaquin Domagoso. Kinumpirma na sa amin ng isang malapit sa mga Domagoso ang pagtakbong kunsehal sa unang districto ng Maynila.  Si Joaquin ay anak ng aktor at dating mayor na si Francisco “Isko” Moreno.    Susundan ni Joaquin ang tinatahak ng amang si Isko Moreno.   Matandaang […]

  • Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer

    CANCER remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer.     The good news is […]