PBBM iniutos ang pagpapalakas ng kakayahan ng PAF sa pagprotekta sa teritoryo ng PH
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pag-depensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil na ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sa Villamor Air Base ngayong araw.
Ayon sa kalihim, inilatag kay Pangulong Marcos ang mga plano, pinaka-huling aktibidad, at mga isinusulong na proyekto ng Philippine Air Force (PAF).
Nagbigay aniya ng inputs ang pangulo, sa ilang mga proyektong ito.
Bukod kay Pangulong Marcos, present sa command con ngayong araw, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
-
Naitatalang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila, patuloy na bumababa – DOH
PATULOY na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH). Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nananatili sa ilalim ng moderate risk case classification ang rehiyon. Naobserbahan din na ang bilang ng bagong covid-19 cases sa buong bansa ay nasa downward trend, […]
-
ARIELLA, ilang beses nang nabigo kaya mas nagiging maingat na at baka muling madulas
KAYA naman daw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas. Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag […]
-
‘Maternity leave’ scam, iniimbestigahan ng DepEd
BUMUO na ang Department of Education ng isang fact-finding committee para busisiin ang umano’y anomalya sa maternity leave na nai-file ng mga guro ng may 11 beses sa loob ng tatlong taon. Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesman ng DepEd, ang fact-finding committee ay kabibilangan ng mga DepEd officials sa regional offices at […]