• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang adopsyon ng Nat’l Cybersecurity Plan 2023-2028

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa.
Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay magsisilbi bilang “whole-of-nation roadmap for the integrated development and strategic direction of the country’s cybersecurity.”
Sa pamamagitan ng EO 58, binibigyan nito ng mandato ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities na bumalangkas, mag-adopt at magpatupad ng kanilang cybersecurity plans at estratehiya na may kaugnayan sa kani-kanilang mga mandato, alinsunod sa NCSP 2023-2028.
Hinikayat naman ang Local government units (LGUs) na gawin din ito.
“Pursuant to its mandate under Section 15 of RA (Republic Act) 10844, the DICT formulated the National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028, which outlines the country’s policy direction and provides operational guidelines towards a trusted, secured, and resilient cyberspace for every Filipino,” ang nakasaad sa EO.
“It is imperative for all concerned national government agencies and instrumentalities, and local government units, to support and cooperate towards the successful implementation of the NCSP 2023-2028,” dagdag na pahayag ng EO.
Inatasan ang DICT na mag-adopt ng sistema para sa epektibong implementasyon, monitoring, at pagrerebisa ng NCSP 2023-2028, nababatay sa umiiral na batas, rules and regulations.
Ipinag-utos naman ng EO 58 sa DICT na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pagbibigay ng kinakailangang technical assistance sa ibang ahensiya ng pamahalaan at tanggapan para sa implementasyon ng NCSP 2023-2028.
Ayon sa EO, kailangan na magsumite ng DICT sa Pangulo, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at National Cybersecurity Inter-Agency Committee, ng isang bi-annual report hinggil sa kalagayan at progreso ng implementasyon ng NCSP 2023-2028.
Ang budget na kakailanganin para sa implementasyon ng EO 58 ay huhugutin sa kasalukuyan at available na appropriations ng mga concerned agencies, iyon nga lamang ay “subject to pertinent budgeting, accounting, and auditing laws, rules and regulations.”
Ang kakailanganing pondo para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng kautusan ay isasama sa General Appropriations Act, nakabatay sa karaniwang budget preparation process.
“The strengthening of security and resilience of the country’s cyberspace is one of the key strategies to ensure safety and security in cyber and physical spaces under the Philippine Development Plan 2023-2028,” ayon sa ulat.
Ang kopya ng EO 58 ay ipinalabas araw ng Sabado. Magiging epektibo ang kautusan sa oras na mailathala na sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation.
(Daris Jose)
Other News
  • Curry muling bumida sa Warriors

    Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban.     Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5).     May […]

  • PDu30, maaaring bumuo ng independent task force para walisin ang korapsyon sa DPWH

    MAAARING bumuo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang independent task force para bunutin at walisin ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Nauna nang bumuo si Public Works Secretary Mark Villar ng task force na kinabibilangan ng mga DPWH officials para imbestigahan ang anomalya sa departamento kasunod ng […]

  • Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut

    SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa. Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the […]