PBBM, ipinag-utos ang paglikha ng panel na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international maritime employers at iba’t ibang shipowners sa Brussels.
Kasalukuyang nasa Belgium ang Pangulo para dumalo sa ASEAN-European Union Summit ngayong linggo.
Sa nasabing meeting, sinabi ni Pangulong Marcos sa transport officials ng European Union na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang certification issues na may kinalaman sa mga Filipino seafarer at para sumunod ang mga ito sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Convention.
“Our seafarers are of great importance to the Philippines in many, many ways. Although we recognize that in the last many years, the Philippines has done very well in terms of being the leading seafarers around the world, however, with the changing situation after the pandemic, with the changing situation especially when we talk about supply line problems, all of these areas have to be revisited,” ang winika ni Pangulong Marcos sa mga shipowners at stakeholders.
“That comes with the training, changes in the curriculum, all of these things have to be ascertained,” aniya pa rin.
Ang hakbang ng Pangulo ayon sa Malakanyang ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na sumunod sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA) standards matapos mapuna ng EU ang Pilipinas sa kakulangan sa local seafarer training at edukasyon.
Tinatayang may 50,000 Filipino seafarers sa European vessels ang napaulat na nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng Pilipinas na mapagtagunpayan ang EMSA evaluation sa nakalipas na 16 na taon. (Daris Jose)
-
57 qualifier, salang sa 2020 LGBA COTY
NASA 57 qualifiers ang kakasa sa 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series na itutuloy sa Pasay City Cockpit ngayong araw (Biyernes) na may 114 na mga sultada. Puntirya ng mga kalahok ang maagang pangunguna sa COTY race gayundin ang kampeonato ng first leg event 7–cock derby na mga hatid […]
-
DOH, asang tatapusin na COVID-19 public health emergency sa 2023
UMAASA si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na magwawakas na ang COVID-19 public health emergency sa bansa sa 2023 kagaya ng pahayag ng World Health Organization (WHO) sa pandaigdigang sitwasyon. “We are very hopeful on this, and hopefully by next year we can already see na mali-lift na itong public […]
-
MOSCOW’S DREAM ISLAND THEME PARK OFFICIALLY OPENS “HOTEL TRANSYLVANIA” ATTRACTION
IN anticipation of the upcoming release of Hotel Transylvania: Transformania, the final chapter of the $1.3 billion film franchise from Sony Pictures Animation, Dream Island Theme Park, Europe’s largest indoor theme park located in Moscow, announced April 15 that it has officially opened the much-anticipated attraction “Hotel Transylvania.” Dracula has opened up his lavish resort […]