• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang rebisyon ng flood control masterplan ng Pinas

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na rebisahin ang flood control masterplan ng bansa para makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo.
Ang Flood Control Masterplan ng bansa ayon sa Pangulo ay dapat na marebisa kasabay ng climate change na gumagatong para maging malakas ang tropical cyclones.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Marcos na inatasan na niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para i-redesign ang flood control masterplan para tugunan ang pagbabago sa weather patterns.
“Ang bagyo ngayon ay iba na. May mga flood control tayo pero dahil sa mas madaming tubig na dulot ng pag-ulan, hindi na nakakayanan,” ang sinabi ng Pangulo sa naging talumpati nito sa Abada College Gymnasium sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ang Chief Executive ay nasa Oriental Mindoro para pangunahan ang ceremonial distribution ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng kamakailan lamang na pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey).
“Kaya inatasan ko na rin ang DWPH, ang DENR at iba pang ahensya na rebisahin ang flood control masterplan upang makasabay sa patuloy na paglakas ng mga bagyo,” dagdag na wika nito.
Inatasan din ng Pangulo ang DILG at DENR na hikayatin ang local government units (LGUs) na gumamit ng geohazard maps ng DENR-Mines and Geosciences Bureau sa pagtukoy sa landslide-prone at flood-prone areas.
Inatasan din ng Chief Executive ang DPWH, Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at LGUs na tiyakin na ang mga lansangan tulay at iba pang imprastraktura ay “of high quality, safe and disaster resilient.”
Samantala, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo ng ‘public cooperation’ para mabawasan ang paulit-ulit na pagkawala ng buhay kapag mayroong tropical cyclones.
“Hinihimok ko rin ang ating mga kababayan na sumunod sa mga babala ng inyong lokal na pamahalaan para sa inyong kaligtasan, lalo na po roon sa mga kinakailangang lumikas. Batid namin na mahirap maiwan ang inyong bahay, mga pag-aari, ngunit huwag na pong mag-atubili na lumikas kung ito ay sasalba sa inyong buhay,”aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

    NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.     “There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The […]

  • Nakikinabang sa mga Medical Mission ni Nieto Patuloy na Nadadagdagan

    UMABOT  na sa 1,023 ang mga Manilenyong natulungan sa pangangailangan pang kalusugan at kagalingan ng mag rehistro at makinabang sa ARAW N’YO, SERBISYO KO! BIG MEDICAL MISSION, ang programang pang Kalusugang Manilenyo na pinangungunahan ng Bise Alkalde Yul Servo Nieto ay ginawa noong April 1, 2023.     Bilang pang 14th medical mission sa ilalim […]

  • Statement of Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada on hid acquittal on direct and indirect bribery charges by the Sandiganbayan

    I AM deeply relieved of the Sandiganbayan Special Fifth Division’s decision finding merit in my motion for reconsideration and acquitting me of the direct and indirect bribery charges. This ruling reaffirms the innocence I have consistently maintained throughout the ordeal, which spanned a decade, as I sought to prove the baselessness of the accusations against […]