• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itinalaga ang digital technocrat bilang bagong hepe ng DICT

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating UnionDigital Bank president at chief executive officer Henry Rhoel Aguda bilang bagong Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagkakatalaga kay Aguda, araw ng Huwebes.

“Aguda’s experience spans the banking, technology and telecommunications sectors,” ang sinabi ng PCO sa isang kalatas.

“His specialty is in digital transformation, digital banking and financial crimes,” dagdag na pahayag nito.

Pinalitan ni Aguda si Ivan John Uy na nagbitiw sa puwesto nito lamang unang bahagi ng buwan.

Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Aguda bilang Digital Infrastructure Lead sa Private Sector Advisory Council (PSAC), isang konseho na may tungkulin na tulungan ang administrasyong Marcos sa pagpapaunlad ng mga makabagong synergy sa pagitan ng private at public sectors.

Bago naman napasama sa UnionDigital Bank, siya ay board chairperson kapwa ng City Savings Bank at UBX Philippines.

(Daris Jose)

Other News
  • Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy

    HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.   Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.   ” We […]

  • KIM, inamin na mas kinatukan na ‘di nabigyan ng franchise ang ABS-CBN kesa sa multo

    MULA sa pagba-viral at nag-trending.     Naging kanta, serye at ngayon ay pelikula na ang post ni Kim Chiu dati na “Bawal Lumabas.”     At obvious naman na inspired sa Bawal Lumabas ang isa sa mga MMFF entries na Huwag Kang Lalabas ng Obra Cinema.     Horror trilogy film na bida si […]

  • 5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng limang indibidwal matapos maaktuhang sumisinghot shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila […]