PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns
- Published on August 18, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating foreign affairs Secretary bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.
Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito.
Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns.
Matatandaang, buwan ng Setyembre ng nakaraang taon, itinalaga ng Pangulo si Locsin bilang ambassador to the United Kingdom ng Pilipinas.
Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Locsin bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Magugunitang, si Locsin ay nagsilbing DFA secretary, Ambassador to Washington at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung maalala si Locsin ay naging speechwriter ni dating yumaong Pangulong Cory Aquino at naging masugid din na lumaban noon sa rehimeng Marcos.
Naging journalist din ito at publisher. (Daris Jose)
-
BEA, may naiisip na concept na sa posibleng project na pagsasamahan nila ni MARIAN
NGAYONG gabi na, October 15, ang special guest appearance ni Kapuso actress Bea Alonzo, sa comedy program na Bubble Gang. Ipapakita naman ni Bea ang husay niya sa comedy, na matagal na raw niyang nami-miss gawin, at na-excite siya nang malaman niyang may special episode para sa kanya ang whole gang, led by […]
-
Malakanyang, no comment pa kung dadalo si Pangulong Duterte sa proclamation rally ni Mayor Sarah Duterte- Carpio
SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na aalamin muna niya ang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong, Pebrero 8. Ito’y upang malaman kung kasama ba sa itinerary ng Chief Executive ang pagdalo para sa proclamation rally ng anak niyang si Davao city Mayor Sarah Duterte – […]
-
LTO pipilitin na mailabas ang plate numbers ng mga motorcyles at motor vehicles bago ma -release sa showroom
ISANG mungkahi ang nilalatag ng Land Transportation Office (LTO) na tinatawag na “plate out of the showroom,” kung saan ang mga motorcycles at ibang motor vehicles ay magkaron ng license plate bago lumabas ng showroom. Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang LTO sa mga stakeholders kasama ang mga dealers at manufacturers para sa isang posibleng dry […]