PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP).
Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024.
“Police Major General Rommel Francisco Marbil is designated as the chief, Philippine National Police effective April 1, 2024 by the direction of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ang nakasaad sa appointment paper ni Marbil.
Si Marbil ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991.
Ang pagkakatalaga kay Marbil ay inanunsyo sa isinagawang change of command at retirement honors para kay Acorda sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.
Bago pa ang kanyang appointment bilang PNP Chief, si Marbil ay naging pinuno ng Directorate for Comptrollership at nagsilbi bilang Regional Director of the Police Regional Office 8 (PRO-8), at Director of the Highway Patrol Group (HPG), bukod sa iba pa. (Daris Jose)
-
PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong
TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año. “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes. “And I agree with it, E-sabong will end by […]
-
National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro
Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa. Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro. Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro […]
-
BULAKENYO ELDERLY WEEK CELEBRATION
Si Rowena J. Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, at ang mga pinuno ng Office of Senior Citizens Affairs-Bulacan sa pangunguna ni Pangulong Angelito Santiago (nakaupo sa pinaka kaliwa) at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines-Bulacan Chapter sa pamumuno ni Pangulong Jose Mina (nakaupo sa pinaka kanan) kasama sina Commissioner […]