• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM kabilang sa sisingilin ng BIR kung kumikita ito sa kanyang mga vlog

NILINAW ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magbayad ng buwis kung kumikita sila sa kanilang mga vlog.

 

 

Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), anuman ang kanilang pagkakakilanlan, ang mga vlogger na kumikita ng kanilang mga account sa mga streaming site tulad ng YouTube, ay kailangang magbayad ng buwis.

 

 

Dagdag pa nito na kung ang kita ay hindi materyal para sa iyo o maliit lamang o ito ay iyong sideline lamang, kapag nakakuha ka ng isang bagay kailangan mong i-collate ito.

 

 

Kung maliit ang kinikita mo, baka wala kang buwis na babayaran.

 

 

Napag-alaman na si Marcos ay isa sa mga social media-visible presidents sa kamakailang kasaysayan ng bansa na may milyun-milyong tagasunod sa kanyang mga social media account.

 

 

Sa kanyang channel sa YouTube, kung saan ipino-post niya ang karamihan sa kanyang mga vlog — kabilang ang mga ginawa bago ang panahon ng halalan — mayroon siyang mahigit 2.7 milyong followers. (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, malapit nang mahusgahan kung tama ba na tinanggap ang ‘Revirginized’ ni Direk DARRYL

    PINAG-UUSAPAN sa social media si Megastar Sharon Cuneta matapos ipasilip ang ilang eksena sa paparating niyang pelikula sa Agosto — at oo, ito na ata ang most daring role niya so far.     Sa kanyang Instagram posts nitong Linggo, ipinasilip ng 55-anyos ang ilang movie stills sa pelikula niyang Revirginized, kung saan binibigyan niya […]

  • Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis

    NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon.     Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range.   Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals […]

  • Ads October 4, 2023