• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Kamala Harris pinag-usapan ang South China Sea sa Jakarta

NAGKITA sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa  bilateral talks sa sidelines  sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.

 

 

“The two leaders discussed the maritime security environment in the South China Sea, and reviewed opportunities to enhance bilateral maritime cooperation, including alongside likeminded partners,” ayon sa ipinalabas na kalatas ng White House.

 

 

Kapwa naman winelcome nina Pangulong Marcos at Harris ang identification o pagkilala sa apat na karagdagang sites sa Pilipinas kung saan may  access ang US forces sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

 

“President Marcos and the Vice President also discussed opportunities to bolster bilateral economic cooperation and enhance economic resilience,” ayon sa kalatas.

 

 

Sa Twitter, ibinahagi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga larawan nina Pangulong Marcos at Harris na nag-uusap.

 

 

Makikita rin sa larawan si  Romualdez at ang anak ng Pangulo na si  Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos,  senior deputy majority leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Sina Pangulong Marcos at Harris ay kapwa na sa ASEAN-US Summit sa  Jakarta Convention Center, araw ng Miyerkules.

 

 

Winika naman ni Philippine Ambassador to Washington DC Jose Manuel “Babes” Romualdez na  nais ng Estados Unidos at Japan na magkaroon ng  trilateral meeting kasama si Pangulong Marcos  sa sidelines  ng summit.

 

 

Nakatakda namang lisanin nina Marcos at Harris ang  Indonesia , ngayong araw ng Huwebes.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos  sa ASEAN-US Summit   na ang Estados Unidos ay  isang “indispensable partner” ng ASEAN. Umaasa siya na ang malalim na ugnayan sa ‘superpower’ ay makatutulong sa hangarin ng  Southeast Asian bloc na pangmatagalang kapayapaan.

 

 

“The US has always been an ally and an indispensable partner of ASEAN,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang intervention sa 11th ASEAN-US Summit.

 

 

“As we forge closer and deeper relationships in the coming years, we hope to continue working together towards a region that enjoys lasting peace, security, stability, and resilience,”  dagdag na wika nito.

 

 

Para sa Punong Ehekutibo, ang Estados Unidos ay  “more than just a longstanding, close, and reliable friend and ally of the Philippines.”

 

 

Ang Estados Unidos aniya ay ”undeniably ASEAN’s partner in achieving our collective goals and aspirations as nations, both on the domestic and international fronts.”

 

 

Sa kabilang dako, welcome naman kay Pangulong Marcos ang suporta ng Estados Unidos para sa  ASEAN centrality at ang prinsipyo ng ASEAN Outlook on the Indo-Pacific (AOIP).

 

 

Aniya,  “this envisioned a free and open Indo-Pacific that is more connected, prosperous, secure, and resilient.”

 

 

Pinuri naman ni Pangulong Marcos  ang liderato ng Estados Unidos para sa kanilang pagsisikap na lumikha ng joint statement kasama ang  Japan at South Korea, tinawag itong ”The Spirit of Camp David.”

 

 

“The Statement cemented a common security agenda among the United States, Japan, and South Korea on arguably the most problematic issues in the region—issues that undermine regional peace and prosperity, including but not limited to supporting the free and open international order based on the rule of law,” ayon sa Pangulo.

 

 

Kinontra kasi ng joint statement  ang  unilateral attempts  na palitan ang status quo sa katubigan sa Indo-Pacific at ang militarisasyon ng ‘reclaimed features’ sa  South China Sea.

 

 

Ipinahayag din ng joint statement ang alalahanin para sa nagpapatuloy na ‘illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing” na labis na nakaapekto sa mga mangingisda.

 

 

Binanggit din nito ang  trilateral maritime exercise na isinagawa  ng Coast Guards of the Philippines, Japan, at  EStados Unidos na ayon sa Pangulo ay  “aimed at strengthening humanitarian assistance and disaster relief cooperation.”

 

 

Nanawagan naman ang Pangulo sa ASEAN member-states na patuloy lamang na palakasin ang “connectivity at supply chains” sa RStados Unidos “to further expand mutual trade” sabay sabing “the US economic might in the region has been a positive force.”

 

 

Ipinagmalaki naman ng Pangulo na ang Estados Unidos ang  “biggest source”  foreign direct investment, na may market share na 22.5% noong 2022.

 

 

“We look forward to more investment inflows as well as a higher turnover of goods and services through the implementation of the ASEAN-US Trade and Investment Framework Arrangement and the Expanded Economic Engagement Work,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Pinuri naman ng Pangulo ang Estados Unidos sa  pagdating kasabay ng sabihan nito ang  China na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang  1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang rule of law sa pagsasaayos sa  maritime disputes.

 

 

Sa kanyang  talumpati naman sa  43rd ASEAN Summit Retreat Session, nanawagan ang Pangulo sa ASEAN na huwag payagan ang international order na maging hamon ng anumang  “hegemonic ambition” sa  South China Sea (SCS).

 

 

Ang panawagan ng Pangulo ay matapos na tawagin nitong  “misleading narratives that frame the disputes in the SCS solely [through] the lens of strategic competition between two powerful countries.”

 

 

Bagama’t hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang bansa na tinutukoy nito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Estados Unidos ay isa sa “staunchest and most vocal allies” ng Pilipinas sa territorial dispute nito sa China, kinasasangkutan ng bahagi ng South China Sea  na tinawag naman ng Maynila na  West Philippine Sea.  (Daris Jose)

Other News
  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • Naka-move on na sa pagkatalo sa ‘Miss Universe’: CELESTE, mas gusto na maging kontrabida sa TV at pelikula

    ANG maging kontrabida ang siyang gustong gawin ng bagong Sparkle artists na si Celeste Cortesi.       Ayon ng former Miss Universe Philippines 2022, mas mukha raw mag-enjoy siya sa pagganap bilang kontrabida sa TV o pelikula. Kaya gusto raw niyang mag-acting workshop para mas marami siyang malaman sa pag-arte.       Inamin […]

  • Kumpanya ni Manny Villar nakakuha ng ABS-CBN frequencies-NTC

    ISANG kumpanya na nag-uugnay kay dating senador at bilyonaryo na si Manny Villar ang nakakuha ng suporta ng pamahalaan na pumasok sa television market gamit ang frequency na dating naka-assigned sa ABS-CBN.     Tila ito ay muling pagbuhay sa aplikasyon ng kumpanya na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na inihain noong Oktubre 2006, Ang […]