• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine.

 

 

Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.”

 

 

Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon.

 

 

“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” ang bahagi ng profile ni Pangulong Marcos na mababasa sa 2024 Time 100 issue.

 

 

“Many problems persist, including extra­judicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too,” dagdag nito.

 

 

Samantala, ang iba pang Pangulo ng Pilipinas na nasa listahan sa nakalipas na taon ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017 at namayapang dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2013.  (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela namamahagi nang learning packets at modules sa mga mag-aaral

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga libreng backpacks o school kits na naglalaman ng mga notebook at kagamitan sa paaralan sa lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod na nagsimula noong Agosto 25, 2020.   Kasama ang DepEd-Valenzuela, ang naka-iskedyul na pamamahagi […]

  • Ads October 26, 2022

  • PATAKARAN SA KAMPANYA, IPATUPAD

    PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga paghihigpit na ipatutupad para sa personal na pangangampanya, bukod sa iba pang mga patakaran habang nagsisimula ang 90-araw na campaign period para sa mga pambansang kandidato kahapon, Feb.8     Sinabi ni Comelec’ Education and Information Department (EID) Director Elaiza David sa Laging Handa […]