PBBM kinilala ang manggagawa, magsasaka sa National Heroes’ Day
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magsasaka at mga manggagawang Filipino na tinawag niyang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon.
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon dahil sa mga makabagong bayani ng ating panahon.
“Sa araw na ito, pinararangalan natin ang ating mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob naging mas mabuti ang kalagayan ng ating bansa ngayon,” ayon sa Pangulo.
Sinabi rin ni Marcos na kinikilala niya ang mga magsasaka at agricultural workers na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan para sa seguridad sa suplay ng pagkain.
Pinasasalamatan din ng Pangulo ang mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna aniya sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.
“Dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. Inialay nila ang kanilang lakas at kakayahan hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” ani Marcos. (Daris Jose)
-
Followers ni KRIS, umaasang mapapanood na nila sa isang talk show
BASE sa teaser na pinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page nitong Miyerkoles ng gabi at binanggit niya ang PURE AT GOLD, posible kayang mapanood na siya sa isang talk show at ang Puregold ang producer niya? “And there’s not much left of me, what you get is what you […]
-
Reklamo sa LTO, pwede na sa online
Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code. Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]
-
Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque
SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw […]