PBBM kinilala ang mga Pinoy na lumalaban ng patas sa araw-araw na buhay sa selebrasyon ng Independence day
- Published on June 14, 2024
- by @peoplesbalita
KINILALA at binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay.
Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pagdiriwang ng ika 1 Daan at 26 na taong anibersaryo ng Independence day.
Sinabi ng Pangulo na mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga karaniwang Pilipino na masipag, matapang at malakas na humaharap sa mga hamon araw- araw ay Dito siya nakakakuha ng inspirasyon.
Kasama rin sa kinilala ng Pangulo sa kanyang inilabas na mensahe ang katatagan ng mga kawal na Pilipino na aniyay patuloy na nagbibigay proteksiyon sa bawat pulgada ng ating teritoryo.
Taglay aniya ng mga ito ang matatag na paniniwalang ang mga Pilipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-aapi ayon sa Pangulo.
Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na kabataang pag-asa ng bayan. (Daris Jose)
-
‘The Innocents’ Trailer Takes a Dark Look at Kids With Superpowers
IN the Marvel universe, a child discovering their powers might soon get a visit from Professor Charles Xavier to tell them everything is going to be fine. In the European film The Innocents, however, discovering you have powers might be dangerous when there aren’t adults around to supervise – and maybe even if they […]
-
‘Ang Dating Daan’ founder Eli Soriano pumanaw na, 73
Pumanaw na ang Ang Dating Daan founder Bro. Eliseo “Eli” Soriano sa edad na 73. Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang grupo sa pamamagitan ng paglabas ng kalatas sa social media. Hindi naman binanggit ng grupo ang sanhi ng kamatayan ni Soriano. Tiniyak ng grupo na ipagpapatuloy nila ang […]
-
EDCA sites malaking tulong sa pagtugon sa kalamidad – PBBM
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang malaking papel at kahalagahan ng EDCA sites sa bansa. Sa pagpupulong kasama si US Defense Secretary Lloyd Austin sa Malakanyang , sinabi ng pangulo na mas nagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang trabaho sa tulong ng EDCA sites at ng tropa ng Amerika. Ayon sa […]