PBBM, labis na ikinalungkot ang pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc
- Published on October 5, 2023
- by @peoplesbalita
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napaulat na tatlong mangingisda ang nasawi matapos banggain ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.
Ang insidente ayon sa Pangulo ay kasalukuyan nang iniimbestigahan.
“We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain of the fishing vessel. The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel,” ayon sa Pangulo.
Sa ngayon, nagsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng backtracking at checking sa lahat ng monitored vessels sa lugar bilang bahagi ng kasalukuyang ilsinasagawang imbestigasyon.
“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,” pagtiyak ng Pangulo.
“Let us allow the PCG to do its job and investigate, and let us refrain from engaging in speculation in the meantime,” dgdag na pahayag nito.
Siniguro naman ng Pangulo na magbibigay ng suporta at tulong ang pamahalaan sa mga biktima at sa kanilang pamilya.
Sa ulat, sinabi naman ng PCG na ibinahagi ng mga nakaligtas na ibang mangingisda na isang hindi natukoy na commercial vessel ang bumangga sa kanilang bangka na FFB DEARYN.
Nangyari ang insidente noong October 2, 2023 kung saan kabilang sa mga nasawi ay ang kapitan ng fishing boat.
Tuluyan na ring lumubog ang nasabing bangka ng mangingisda habang 11 crew naman ang nakaligtas.
Ang mga bangkay naman ng nasawi ay dinala na Barangay Cato, Infanta, Pangasinan. (Daris Jose)
-
Petro Gazz VS Cignal: Game One Spotlight
Naghanda ang dalawang team para sa Premier Volleyball League finals sa huling pitong kumperensya. Ngunit nauwi sa paghaharap ang Petro Gazz at Cignal para sa inaasam-asam na korona sa Reinforced . Ngunit ang Angels at ang HD Spikers ay umaasa na magbibigay ng isang nobela para sa mga tagahanga ng volley upang masiyahan […]
-
Pacquiao may kausap na uli
Matapos gumuho ang plano sanang laban kontra kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford, balik sa negosasyon ang kampo ni Manny Pacquiao para sa kanyang susunod na laban. Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na may gumugulong na negosasyon para tuluyan nang maikasa ang kanyang pagbabalik-aksiyon. Ngunit tumanggi si […]
-
VP Sara Duterte, ipapatawag ng DOJ
IPAPATAWAG ng Department of Justice (DOJ) si VP Sara Duterte kasunod ng kanyang pahayag laban kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na ang National Bureau of Investigation ang may kapangyarihan na i-subpoena si VP Sara. Tinawag […]