• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumikha ng special committee para protektahan ang human rights sa Pinas

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para mas palakasin ang human rights protection at promosyon sa bansa.

 

 

Base sa Administrative Order No. 22, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay nilikha, inatasan na panatilihin ang inisyatiba at nagawa ng United Nations for the Joint Programme (UNJP) on Human Rights sa aspeto ng law enforcement, criminal justice, at policy-making.

 

 

Si Bersamin ang uupong chairman ng komite, at co-chair naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. ang ibang mga miyembro ng komite ay ang mga pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“[I]t is imperative to sustain and enhance the accomplishments under the UNJP, which is set to expire on 31 July 2024, through institutionalization of a robust multi-stakeholder process for the promotion and protection of human rights in the Philippines,” ayon sa AO.

 

 

Ang Pilipinas ay isang state party sa ilang international human rights instruments, gaya ng Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, at International Covenant on Civil and Political Rights.

 

 

Itinatag din ng Pilipinas ang Presidential Human Rights Committee (PHRC) para bumalangkas ng isang National Human Rights Action Plan, at tiyakin ang pagsunod ng bansa sa obligasyon nito sa international human rights groups.

 

 

Magsisilbi naman ang PHRC Secretariat bilang secretariat ng special committee para makapagbigay ng mahahalagang “technical, administrative, at operational support.”

 

 

Kabilang naman sa “duties at functions” ng komite ay ang pagsasagawa ng imbestigasyon at accountability, data-gathering hinggil sa di umano’y paglabag sa karapatang-pantao ng law enforcement agencies, at pagpapalawig sa civic space at engagement sa pribadong sektor.

 

 

Dapat din itong magpatupad ng human rights-based approach tungo sa drug control at counter-terrorism.

 

 

Inatasan din ang komite na i-monitor at tiyakin ang epektibong implementasyon ng government policies at programs na “aimed at upholding and protecting human rights of persons deprived of liberty, particularly in guaranteeing that no one is subjected to torture and other cruel, inhumane or degrading treatment of punishment.”

 

 

Samantala, ang pondo para sa paunang implementasyon AO, ay kukunin sa kasalukuyan at available appropriations ng member-agencies special committee. (Daris Jose)

Other News
  • Estratehiyang gagamitin sa vaccination rollout para sa pediatric population, aprubado ng IATF – Roque

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 ang inirekomendang estratehiya ang vaccination rollout para sa nalalabing pediatric population para makamit ang vaccination rate na 80% ng target population sa Disyembre 2021.   In-adopt naman ng IATF ang rekomendasyon ukol sa VaxCertPH, kabilang na ang opening requests para sa COVID-19 digital […]

  • Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto

    Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.     Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate […]

  • Ads May 5, 2023