PBBM, magkakaroon ng 12 o higit pang bilateral talks sa sidelines ng COP28 — DFA
- Published on November 30, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG aabot sa 12 o higit pa ang bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates.
Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing bilateral meetings ay “still subject of consultations.”
Sa kabilang dako, nakatakdang umalis si Pangulong Marcos patungong Dubai, Huwebes ng umaga para magpartisipa sa COP28.
”At this point, these bilateral meetings re subject of consultations and I think we will have more clarity on which meetings will take place,” ayon kay Almojuela.
At nang tanungin kung ilang bansa ang magkakaroon ng pagpupulong kasama ang Pangulo, sinabi ni Almojuela na “Maybe a dozen or more because some of these requests are made in the venue during the… at the sidelines so we are not sure this time. Right now we are working on a dozen bilateral meetings for the President.”
Tinuran pa ni Almojuela na ia-address din ng Pangulo ang World Climate Action Summit kasama ang ibang lider.
“The first program of December 1 for the President is the opening of the Philippine Pavilion. Shortly after, he will be the keynote speaker in side event that we are organizing together with the Government of Kenya and the IOM Director General,” ayon kay Almojuela.
”This side event will be about the Philippines leading and pushing for a stronger global consensus, and the next is between climate change and migration,” ang pahayag pa rin ni Almojuela.
Aniya, mahigit sa 140 heads of states, governments at royalties ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa COP28.
Kabilang naman sa magiging agenda ay ang gawing mabilis ang energy transition, delivering at enhancing climate finance, at tiyakin and katatagan ng food systems.”
”I believe that the President’s engagements will reflect the priority that the Philippines attaches to all these thematic agenda of the conference,” ayon kay Almojuela. (Daris Jose)
-
‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP
PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, […]
-
DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs
Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs). Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na […]
-
‘Ten Little Mistresses’ holds world gala premiere ahead of Feb. 15 release on Prime Video
PRIME Video launched Ten Little Mistresses, on Tuesday, February 7, in a blue carpet gala premiere ahead of its February 15 streaming. The streaming giant will switch on its first Filipino Amazon Original movie in over 240 countries and territories. The murder-mystery comedy film stars Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi […]