• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, magpapartisipa sa 50th Anniversary ng ASEAN-JAPAN RELATIONS – DFA

NAKATAKDANG umalis si Pangulong  Ferdinand R.  Marcos Jr.  ngayong linggo patungong Japan para magpartisipa sa ika- 50 anibersaryo  ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.

 

 

“The President is leaving on the 15th for Tokyo to attend the 50th anniversary of ASEAN-Japan Relations,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu sa Malakanyang.

 

 

Sa press briefing, binigyang diin ni Espiritu  ang kahalagahan ng pagdalo ng Pangulo sa ASEAN-Japan lalo pa’t ang Japan ay isa sa “first dialogue partners” ng  ASEAN at ito rin ay  “one of the most dynamic (partners).”

 

 

Idinagdag pa ni Espiritu na saklaw  ng ASEAN ang usapin sa seguridad gaya ng “defense and transnational crime” at  mutual legal assistance, mutual economic activities and cultural at  people-to-people activities.”

 

 

“It’s a whole gamut of relations, and they were able to sustain and develop it through the years such that this year, they were declared comprehensive strategic partner of ASEAN,” ani Espiritu.

 

 

“And one of the objectives of this summit is exactly to announce the come upon of Japan as a comprehensive strategic partner of ASEAN – a thing that was already confirmed during the last summit of ASEAN in Jakarta,”dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran pa ni Espiritu na malamang na magkaroon ng  bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na aniya’y first official engagement ng Pangulo sa  Japan.

 

 

Sa kabilang dako, binanggit ni Espiritu na wala pang  karagdagang detalye ukol sa bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida.

 

 

Subalit sinabi nito na dadalo ang Pangulo sa isang hapunan kasama ang Prime Minister sa  State Guest House, o Akasaka Palace sa Disyembre 16, na “first official ASEAN engagement” naman ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, ang ASEAN  ay idaraos sa Disyembre 17 kung saan tatalakayin ang ilang usapin  kabilang na ang West Philippine Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Wonder Woman Versus Steppenwolf in New ‘Justice League’ Trailer

    IN time for International Women’s Day, it is Wonder Woman turn to shine, with the latest teaser and poster dedicated to her journey in the upcoming director’s cut.     Zack Snyder’s Justice League unites Batman (Ben Affleck), Wonder Woman (Gal Gadot), Aquaman (Jason Momoa), Cyborg (Ray Fisher) and The Flash (Ezra Miller) to save the […]

  • Ipinauubaya na sa Diyos ang paggaling… KRIS, nag-offline muna sa socmed bilang paghahanda sa susubukang treatment

    PAGSAPIT ng ika-25 ng Pebrero, ang selebrasyon ng EDSA 36, nag-post si Kris Aquino bago siya matulog ng Bible verse na mula sa Philippians 4:NIV.     Mababasa sa art card: “12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret […]

  • Filipino-Chinese businesses, umaasa sa state visit ni PBBM sa China; itutulak ang joint exploration talks

    KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga  resources sa  West Philippine Sea. Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga […]