PBBM, mainit na tinanggap si Indonesian President-elect Prabowo sa Malakanyang
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes si Indonesian President-elect Prabowo Subianto sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa naging pag-uusap ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos kay Prabowo na magandang pahiwatig para sa Pilipinas at Indonesia ang pagpili ng huli sa Maynila bilang isa sa unang foreign visits bilang isang elected state leader.
Matatandaang, ang unang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo ito bilang halal na Pangulo ng bansa noong 2022 ay sa Indonesia.
“I think your visit here today will certainly bring a new impetus to making that relationship between Indonesia and the Philippines stronger and deeper,” ayon sa Pangulo.
Muli namang kinumpirma ni Prabowo ang kanyang commitment na panatilihin ang tinatawag niyang ‘traditionally close relationship’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
“We have common roots, cultural, historical, and by the fact that we are very close neighbors, it behooves us, I think, to always support each other and to work together closely in all fields,” ang sinabi ni Prabowo.
Samantala, sa Nobyembre ay ika-75 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Indonesia.
Si Prabowo, Indonesia’s Defense minister at former military general, ay opisyal na kinumpirma ni Indonesia’s Election Commission na siyang nanalo sa presidential elections noong Pebrero. Pormal na naupo ito sa pagka-Pangulo nito lamang Oktubre , pinalitan ni Prabowo si Joko Widodo. (Daris Jose)
-
Natsugi na sina Misha at Nisha sa ‘Idol Philippines’: REGINE, inaming ‘devastated’ silang mga hurado sa naging resulta ng botohan
SA Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, inilahad niya ang kanyang nararamdaman sa naganap na tanggalan sa ‘Idol Philippines’, “Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin. Sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami. “Pero ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines […]
-
Ads October 30, 2024
-
Manibela naghain ng kasong graft laban sa mga opisyales ng DOTr
NAGHAIN ng isang kasong graft ang grupo sa transportasyon na Manibela laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Sa isang limang (5) pahina na complaint na inihain ng Manibela sa Office of […]