• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries

NAIS  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. 
Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon.
Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries.
Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang trabaho ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa pakikipagtulungan sa mga  foreign partners.
Ang PhilMech aniya ay mayroong locally manufactured machineries para sa “planting, cultivation, harvesting, at maging iyong nakalaan para sa  post-production.”
Karagdagan aniya ito sa ibang serbisyo gaya ng loans at transport services sa mga magsasaka at consumers.
“[Mag-] manufacture tayo ng sarili natin nang sa ganun ay hindi na kailangan tayo umasa sa importation,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng tulong sa  Nueva Ecija, araw ng Lunes, Abril 24.
Sinabi ng Pangulo na “the country’s reliance to imports was felt during the pandemic lockdowns, stressing that with locally-manufactured equipment, the country is prepared to address food supply related problems in similar situation as the pandemic.”
“Ang lahat ay kailangan nating tingnan at pag-aralan para makahanda tayo. Na kung sakali ito’y mauulit ay tayo naman ay may gagawin. Mayroon tayong nakahanda at masasabi natin kahit hindi na tayo mag-import ay mayroon tayong sapat na supply na pagkain para sa ating mga mamamayan. ‘Yan po ang ating hangarin,” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.
“Developing the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security is the overall goal not only of the Department of Agriculture, but the entire government,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na lumilikha ang pamahalaan ng mga plano para matiyak ang sapat na suplay ng tubig gaya ng “redesigning dam construction at solar power use.”
“The government is also looking at improving research and development to increase agricultural productivity depending on the season,” ayon sa Punong Ehekutibo.
(Daris Jose)
Other News
  • DFA, hindi pinaniniwalaan ang paliwanag ng China sa paggamit nila ng laser sa Philippine Coast Guard

    WALA umanong rason para maniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).     Ang naturang barko ay nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.     Ayon kay […]

  • PBBM, tinitingnan ang mas malakas na ugnayan sa agrikultura sa Chile, malapit na kolaborasyon sa WHO

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na agricultural cooperation kasama ang Chile at mas malapit na pagtutulungan sa World Health Organization (WHO) pagdating sa post-pandemic era.     Ito’y matapos na magkaroon ng hiwalay na pakikipagpulong sina Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren at WHO Regional Director for the Western Pacific […]

  • Tinamaan din ang mag-inang Jennylyn at Dylan: DENNIS, idinaan sa pagkanta nang magka-COVID

    SA mga nagsasabing wala ng pandemic, na wala ng COVID-19 virus, mag-isip-isip kayo.     Matapos magkumpirma na tinamaan muli ng mapaminsalang virus si Pangulong Bongbong Marcos at Pasig City Mayor Vico Sotto, heto at sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado naman ang nagka-COVID.     Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ikinanta ni […]