• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM may malakas na mensahe sa China

NAGPADALA ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.

 

 

Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies.

 

 

Binigyang-diin ni De Castro na ang decisive actions ng Pangulong Marcos ay ang pagsasabi sa gobyerno ng China tungkol sa kanyang malakas na political will upang matiyak ang food security para sa mamamayang Pilipino, lalo na para sa mga mangingisda, at ang kanyang independent foreign policy na nagdulot ng matinding epekto sa China.

 

 

Paliwanag ni De Castro, ang ginawa ni Pangulong Marcos, nang hindi ito kumunsulta sa mga pamahalaan ng US, Japan, at Australia, ay nagpakita ng kanyang independiyenteng patakarang panlabas at nagpasya na harapin ang “maritime expansionism” ng China Coast Guard.

 

 

Binigyang-diin din ni De Castro na ang pagkilos ni Pangulong Marcos ay kanyang paraan upang ipakita sa gobyerno ng China kung paano haharapin ng administrasyon ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea at kung paano ipagtanggol ang mga karapatan ng bansa sa karagatan ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” OPENS AT NO.1 IN U.S. WITH $21-M

    AUGUST 22, 2022 — Dragon Ball Super: SUPER HERO topped the U.S. box office in its opening weekend, shattering expectations by summoning an impressive $21 million in North American ticket sales. The anime film is being distributed in North America by Crunchyroll, which specializes in anime film and television. “We’re absolutely thrilled that ‘Dragon Ball’ fans could […]

  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]

  • Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE

    MULING  binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.     Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa […]