PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France.
Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.
Makikita ito sa Facebook post ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).
Matatandaang, buwan ng Enero ngayong taon, sinabi ng French Embassy sa Maynila na inaasahan nilang bibisita si Pangulong Marcos sa France sa Hunyo subalit hindi naman natuloy ang naturang plano.
Buwan ng Hunyo nang muling imbitahan ni Macron ang Pangulo na magsagawa ng state visit sa France, subalit hindi nakapagbigay ang gobyerno ng Pilipinas ng update ukol sa posibleng byahe.
Sa nasabing presentasyon ng kanyang credentials sa Pangulo, ipinaabot ni Fontanel ang congratulatory message ni Macron kay Pangulong Marcos, “for successfully strengthening the Philippines’s economic growth in his first year in office,” base sa statement na naka-post sa official Facebook page ng RTVM.
“She likewise mentions the French leader’s growing concern about the increasing tensions in the Indo-Pacific region and expresses support for the supremacy of international law,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.
Sa kabilang dako, si Fontanel ay itinalaga rin bilang non-resident ambassador to Palau, Federated States of Micronesia at Marshall Islands.
Samantala, mainit na tinanggap din ng Pangulo si bagong Swiss Ambassador to the Philippines Nicolas Brühl na nag-presenta rin ng kanyang credentials sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Binigyang diin ni Brühl, ang lumalalim na bilateral relations sa pagitan ng Switzerland at Pilipinas, tinukoy ang kamakailan lamang na ipinatupad na Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng dalawang bansa at ang papel ng Switzerland bilang “largest investor” mula Europa sa Pilipinas.
Binigyang diin din nito ang kontribusyon ng Switzerland sa “sustainable peace and stability” sa Pilipinas.
Aniya, nagsisilbi ito bilang “tangible proof of long-term collaboration based on trust and friendship between the two countries.”
Binigyang-diin din ni Brühl ang lumalalim na cultural exchanges sa pagitan ng Switzerland at Pilipinas, binaggit ang presensiya ng 3,600 Swiss nationals na nakatira sa bansa.
“He expresses his commitment to further strengthen relationships between the two countries and its peoples,” ayon sa hiwalay na Facebook post ng RTVM.
Samantala, si Brühl ay itinalaga rin bilang non-resident ambassador to the Federated States of Micronesia, Republic of Palau at Republic of the Marshall Islands.
Bago pa siya italaga sa bago niyang posisyon, nagsilbi muna si Brühl bilang Ambassador of Switzerland to South Africa, Botswana, Eswatini, Lesotho, Mauritius at Namibia. (Daris Jose)
-
NBA SEASON TIKLOP, GOBERT POSITIBO SA COVID-19
HINDI na rin nakaligtas ang National Basketball Association (NBA) sa bilis ng COVID-19. Sinuspinde na rin ng liga, “until further notice”, ang lahat ng mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap ng coronavirus disease na tinagurian ngayong pandemic. Ang nakakagulat na hakbang ng pamunuan ng NBA ay matapos na ipatigil […]
-
TOM CRUISE AND CHRISTOPHER MCQUARRIE TEAM UP AGAIN FOR THEIR BIGGEST MISSION YET IN “DEAD RECKONING PART ONE”
FOR the filmmakers of Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, the latest installment is a love letter to the whole Mission series. “It’s absolutely that,” says Tom Cruise, who reprises his now iconic role of Ethan Hunt in the film, which he also produces. “People who haven’t seen the other Missions are going to enjoy […]
-
Ads July 7, 2022