PBBM, muling isinulong ang ROTC revival pitch matapos ang Northern Luzon quake
- Published on August 1, 2022
- by @peoplesbalita
MULING isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga eskuwelahan.
Para sa Chief Executive, kailangang matuto ng mga kabataang Filipino ng disaster-preparedness skills bunsod na rin ng kamakailan lamang na magnitude 7 earthquake na umuga sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa mga quake-hit provinces, sinabi nito na nakita niya ang pangangailangan na mas maraming kamay para sa disaster zones.
“Mas marami rin tayong maihahanda na sibilyan sa ganitong disaster response sa pamamagitan ng ROTC program,” ayon sa Pangulo sa kanyang weekly vlog.
“Hindi lang naman national defense ang itinuturo sa kanila kung ‘di disaster preparedness at capacity building para dito sa risk-related situations na tinuturo sa kanila,” anito.
“Although likas na sa ating mga Pilipino ang maging matulungin, iba pa rin pag may training at tamang paghahanda sa pagresponde,” dagdag na pahayag nito.
Ang hangarin ng Pangulo na muling buhayin ang ROTC program at dahil na rin sa disaster-prone country ang Pilipinas.
“Ang bansa natin ay nasa Ring of Fire, typhoon belt. Tayo rin ang pinakamataas sa risk sa mga epekto ng climate change,” ani Pangulong Marcos.
“Takaw sakuna ang ating lokasyon kaya hindi tayo dapat magkulang sa paghahanda,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na hihilingin niya sa Kongreso na gumawa ng bagong batas para gawing mandatory muli ang pagkuha ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng mga estudyante na nasa Senior High School o nasa Grade 11 at 12.
Saklaw nito ang mga estudyante na nasa public at private tertiary schools.
“Bukod sa mga kalye at mga gusali ay matindi rin ang pinsala sa ating mga heritage sites lalong lalo na ‘yung mga katedral, mga simbahan. Ito ay nasira at kailangan irestore agad,” anito.
“Kaya naman lahat ng ating mga itatayong gusali o istraktura ay dapat disaster proof na mula sa mga kalye, mga building, pati na rin ‘yung heritage sites, eskuwelahan, ospital, mga bahay ng ating mga mamamayan,” aniya pa rin.
“Most of the major roads have been cleared of debris, and only one bridge remains closed,” dagdag na pahayag nito.
“Sa Bangued, ‘yung provincial hospital nila nagkaroon ng sira kaya lahat ng provincial hospital sa ngayon ay nasa ilalim ng mga tent kaya minamadali namin ang pag-ayos sa ospital at pagpapdala ng mga generator para mapaandar na,” ayon sa Pangulo sabay sabing Yung mga evacuees, maayos naman ang kalagayan. Kumpleto naman ang pagbigay sa kanilang mga pangangailangan.”
“Sila ay nag-aantay na lang na mainspeksyon ang kanilang mga bahay para matiyak na maaari na nila itong balikan,” lahad ng Pangulo.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga private individuals na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Luzon.
“Maraming maraming salamat. Lahat yan ay nagamit na ng mga biktima,” ani Pangulong Marcos.
“Gaya ng iba pa nating nilampasan na pagsubok, tiyak na hindi tayo magpapatinag dito sa nakaraang trahedya,” aniya pa rin sabay sabing, “Mag-ingat po tayong lahat at laging tandaan na sa anumang atin pang haharapin, ang diwa ng ating pagka-Pilipino ay mananatiling maningning.” (Daris Jose)
-
Sa kabila ng kanyang laban sa sakit na cancer… Doc Willie, tatakbong Senador sa 2025 elections
SA KABILA ng kanyang sakit na kanser, plano pa rin ni Dr. Willie Ong na tumakbo sa senatorial race sa 2025 midterm elections. Mismong si Doc Willie ang nag-anunsiyo nito sa isang Facebook Live. Ayon kay Doc Willie, nagawa na niya ang mga papeles para sa kanyang kandidatura at naipa-notaryo na rin […]
-
Standhardinger magreretiro na sa paglalaro sa PBA
Ikinagulat ng koponang Terrafirma Dyip ang ginawang anunsiyo ni Filipino-German player Christian Standhardinger. Sinabi ni Dyip team governor Bobby Rosales, na ipinagpaalam ng 6-foot-8 sa kanila na ikinabigla nila. Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang pagsisimula ng PBA Commissioners Cup kung saan tinalo sila ng Converge 116-87. Umabot lamang […]
-
Fahrenheit Cafe and Fitness Center sa E. Rodriguez, QC ipinasara ng QC LGU
IPINASARA ng QC Local Government ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Ito ay nang tumanggi ang nasabing establisimyento na makipagtulungan na papasukin ang contact tracing team ng City Epidemiology and Surveillance (SECU) Division para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sakit na […]