• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nababahala sa posibleng service delays kung babawiin ang prangkisa ng NGCP

NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng  privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa.

 

 

Ayon kay Pangulong Marcos,  maaaring mahirapan na makahanap ng kapalit para sa power grid operator, posibleng maging dahilan ng service disruptions.

 

 

“I think however we handle the franchise problem, kung tanggalin natin ‘yung prangkisa, kunin ng gobyerno, ibigay natin sa ibang korporasyon [if we revoke the franchise, if the government takes control, or if we give it to another corporation], whatever it is, but the delay that will be caused is the problem that we have,” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam.

 

 

“Tatanggalin mo ‘yung prangkisa, ‘yung nandyan ngayon, tanggal silang lahat. Saan natin kukunin ‘yung kapalit?,” dagdag na wika nito.

 

 

Magkagayon man,  hindi naman “categorically oppose” si Pangulong Marcos sa panukalang rebokasyon o pagpapawalang-bisa sa prangkisa ng NGCP.

 

 

Sa ulat, posibleng  matanggalan ng prangkisa ang NGCP dahil sa iba’t ibang problema sa kuryente sa bansa.

 

 

Araw ng Miyerkules ay umarangkada ang pagdinig ng Senado sa iba’t ibang problema ng suplay ng kuryente  sa bansa.

 

 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ay nasermonan ang NGCP, ang pribadong kompanya na namamahala sa transmission ng kuryente sa Pilipinas.

 

 

Pinag-initan ng mga senador ang umano’y delay sa transmission projects.

 

 

Pinuna rin na ang umano’y 95% na kita ng NGCP ay napupunta umano sa mga bulsa ng mga shareholders at hindi sa pagpapaunlad ng kanilang serbisyo.

 

 

Uminit din ang ulo ni Tulfo nang makumpirma na binara ng NGCP ang mga tauhan na pinadala ng Transmission Commission para sa isang surprise inspection.

 

 

Sinabi pa ni Tulfo na ang mga pagkakamali ng NGCP ay posibleng maging dahilan sa pagka-revoke ng kanilang prangkisa.

 

 

Subalit kung ang prangkisa aniya ay susuriing mabuti, sinabi ng Pangulo na kinokonsidera niya na mahalaga rin ang  performance ng korporasyon at pagtalima sa kontrata.

 

 

“It is really the performance,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “Halimbawa, bakit nagkakaroon ng outage sa Negros at saka Panay Island.”

 

 

“And there was very clear agreement in the contract as to what, how much investment the grid corporation will put in. Pinag-aaralan ngayon nagawa ba talaga nila lahat ‘yun? Kung nagawa nila lahat ‘yun, bakit kulang pa at nagkakaganito? That’s the issue at hand for me,” pagpapatuloy nito. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd kinansela Face to Face classes sa tindi ng init, tigil-pasada

    INIUTOS ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan kahapon Abril 29, Lunes, at Abril 30, Martes, bunsod ng nararanasang mainit na panahon at pagdaraos ng 3-araw nationwide transport strike. “In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysi­cal and Astronomical […]

  • PHILPOST, NAGBABALA SA SCAMMER

    NAGBABALA sa publiko ang Philippine Post Office (PPO) sa umanoy mapanlinlang na tawag  mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.     Sinabi ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag  sa mga kliyente nito para sa anumang transaksyong pinansyal.     Nagbabala ang Post Office sa mga scammers […]

  • ‘There is no such thing as red-tagging’ – Badoy

    NO ONE is “red-tagging.”     Ito ang inihayag ni National Task Force to end Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson for sectoral concerns at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy, araw ng Miyerkules.     Ani Badoy, ang “the term red-tagging is just a tool” of front organizations of the Communist Party of the Philippines-New […]