• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nag-Santa Claus, namigay ng regalo sa mga bata sa Malakanyang

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand ang taunang gift-giving program para sa mga kabataang Filipino na ginawa sa Malakanyang.

 

 

Layon nito na bigyan ng saya ang mga batang Filipino lalo pa’t malapit na ang Pasko.

 

Ang programa ay tinawag na ‘Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day, na sabay-sabay na ginawa sa iba’t ibang lugar sa bansa, layon na magbigay ng regalo sa 30,000 kabataan na may edad na 4 hanggang 12. Sa nasabing bilang, 2,000 na mga kabataan sa Malakanyang ang binigyan ng regalo.

 

Sa kabilang dako, kabilang sa gift set ay trolley bag, unan, medyas, kapote, tumbler, relo at face at hand towel.

 

Si Pangulong Marcos, kasama si Unang Ginang Lisa Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina Simon at Vincent, personal na iniabot ang mga gift bags sa ilang kabataan na nasa Malakanyang.

 

“Alam naman natin na ang Pasko, ang katunayan niyan, ay talaga para sa mga bata. Kaya’t alam ko, naramdaman ko na kaagad ang Pasko dahil andito na naman ang maiingay, malilikot, at makukulit na mga bata na kumakanta ng malakas na Christmas carol,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

 

“Welcome back sa Malacañang. Alam niyo naman na basta’t Pasko, ito’y ino-open house namin dahil ganyan talaga ang naging tradisyon sa pamilya namin, pamilya Marcos. Nu’ng bata pa ako at dito pa kami nakatira, basta’t Pasko, merong handa para sa ating maliliit na inaalagaan,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang gift-giving program ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa iba’t ibang local government units sa Kalakhang Maynila at bahay-ampunan na suportado ang inisyatiba ng “Tulong sa Palasyo”. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-upgrade sa flight systems kailangang ng ilang bilyong pondo para hindi na maulit ang aberya sa NAIA – DOTr

    POSIBLENG aabot pa sa tatlong araw bago tuluyang maka-recover ang flight operations. Kasunod ito naganap na technical issues sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) dakong 9:50 am kung saan naapektuhan ang nasa 56,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinabi ng mga transport officials na ilang bilyong pesos ang kailangan para sa upgrades […]

  • Kinalimutan na at masaya namang nakatulong: ARCI, inaming may artistang nangutang at ‘di nagbayad

    SI Arci Muñoz ang kinuhang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.   Kaya naikuwento niya ang tungkol sa karanasan niya ng pagpapautang na hindi na siya binayaran.   Ang natatawang lahad niya, “Ang problem sa akin when people nangungutang sila, I don’t know how to make singil.   “Hindi ko […]

  • Inaming nagkaka-anxiety dahil sa mga tao: YASSI, ipinagdiinan na wala silang problema ni NADINE

    INAMIN ni Yassi Pressman sa mediacon ng kanyang bagong teleserye na napapanood sa TV5, ang “Kurdapya” na nagkakaroon siya ng anxiety dahil daw sa mga tao.     Nang magkausap daw sila ni Nadine Lustre ay sinabi niya na, “Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa mga tao.”     Ang taong tinutukoy ni Yassi nang tanungin […]