PBBM, nagbigay ng regalo, tulong sa mga vulnerable Pinoy bilang maagang Pamasko
- Published on December 23, 2022
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.
“Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas! Alam ninyo po, lagi kong sinasabi paulit-ulit, eh kako ‘yung Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko eh, kung magcelebrate tayo eh…” ang mensahe ni Pangulong Marcos.
“Kahit papano, kahit naghihirap tayo ngayon, kahit mayroon pa ring pandemya nang kaunti, ‘yung ekonomiya, dahan-dahan pa lang bumabalik, kahit papano nakakaraos pa rin tayo…” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.
Ang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino ay joint activity ng Office of the President at Department of Social Welfare and Development, na naglalayong ilapit ang gobyerno sa vulnerable sector ng lipunan.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga benepisaryo na palaging nandyan ang gobyerno para ibigay ang pangangailangan ng mga ito at tulungan sila sa kanilang kabuhayan.
“Itong aming kaunting tulong sa inyo, hindi lang po ngayong Pasko. Alam ninyo po, asahan po ninyo kayo ay ang laging nasa isip namin. Ito, itong mga DSWD dito, araw-araw ‘yan, 24/7 iniisip nila kung papaano namin kayong tutulungan, kung papaano pa ang aming pwedeng gawin para nga kahit papaano, kahit nakalampas na ‘yung Pasko, ‘yung New Year eh patuloy pa rin ang aming tulong sa inyo,” anito.
Sa kabilang dako sinabi naman ng DSWD na ang financial aid na nagkakahalaga ng P10,000, hygiene kits, at food packs ay ibinahagi sa 574 pamilya na identified ng local government units sa Kalakhang Maynila.
Sinabi pa ng Pangulo na ang event ay para sa mga bata upang sa gayon ay maramdaman ng mga ito ang diwa ng Pasko, tinatayang 400 na nga bata ang nakatanggap ng gift packs kabilang na ang laruan, libro at damit.
Samantala, Inimbitahan naman ni Pangulong Marcos ang mga benepisaryo na bisitahin ang Malacañang Palace, tingnan ang Christmas displays, at dumalo sa Simbang Gabi.
“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ayon wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
“Exhuma” Unveils New Trailer: A Thrilling Cinematic Journey Begins in PH Cinemas
CATCH a glimpse of “Exhuma,” Korea’s box office sensation, with its new trailer. Starring Choi Min-Sik and Kim Go-Eun, this thriller is set to captivate Philippine audiences on March 20. The anticipation builds as “Exhuma,” the Korean thriller that shattered box office records upon its release, prepares to thrill Philippine audiences with its premiere […]
-
Susunod na Senate President, dapat mula sa UniTeam – Sen. Marcos
NANINIWALA si Senator Imee Marcos na ang susunod na Senate President ay mula sa UniTeam o ang grupo ng kanyang kapatid na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Aniya, kailangan daw ay mayroon talagang maaasahang isang majority na matibay at mayroong solid na 13 na boto mula sa mga senador. […]
-
Pagdinig sa resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study, isinagawa
NAGPULONG nitong Martes ang Komite ng Transportasyon na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Isinalaysay ni Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon […]