PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.
Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang mga holiday na ito alinsunod sa prinsipyo ng holiday economics, ibig sabihin ay magkaroon ng long weekend.
Naniniwala si Pangulong Marcos na ang mas mahabang weekend ay makatutulong para mahikayat ang domestic travel at maitaas ang antas ng productivity at expenditures sa sektor ng turismo sa bansa.
Para sa taong 2023, ang bagong taon o new year’s day ay tatapat sa araw ng Linggo.
Bilang konsiderasyon ng tradisyon ng mga Pilipino na bumisita sa mga kaanak at mag-bonding kasama ang pamilya sa okasyong ito, nararapat aniyang ideklara ang January 2, Lunes bilang karagdagang special non-working holiday sa buong bansa.
Ang paggunita naman sa araw ng kagitingan sa April 9, 2023 na regular holiday ay tatapat ng Linggo.
Para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng long weekend, ang Lunes April 10, 2023 ay maaaring ideklara bilang non working holiday, basta mapanatili lamang ang historical significance ng araw ng kagitingan.
Samantala, ang Bonifacio day naman na inoobserbahan bilang regular holiday sa November 30 ng bawat taon ay tatapat sa Huwebes para sa 2023.
Alinsunod sa Republic Act 9492, ang November 27, 2023 o Lunes na pinakamalapit sa November 30 ay maaaring ideklara bilang non working holiday, habang ang November 30 Huwebes ay maaaring ideklara bilang working day.
-
Ex-NBA star Kevin Garnett, interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves
Pinag-aaralan ngayon ni dating NBA superstar Kevin Garnett ang posibilidad ng pagbili sa franchise ng Minnesota Timberwolves kasama ang grupo ng mga investors. Ito’y matapos na aminin ni Timberwolves owner Glen Taylor na kanya raw pinag-iisipan at sinusuri ang ilang mga opsyon kaugnay sa pagbenta sa kanyang koponan. Sinabi pa ni Taylor na […]
-
Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal
KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency. Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]
-
Countdown sa hosting ng bansa sa Volleyball Men’s World Championship sinimulan na
Sinimulan na ng Pilipinas ang isang taon na countdown para hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025. Bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ng isang konsyerto ang sa Kalayaan Grounds ng Malacañang nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang “PH to Serve” ay isinagawa para […]