• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagdeklara ng State of Calamity sa mga ‘Paeng’-hit regions

INILAGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim  ng state of calamity sa loob ng anim na buwan. 
Ito’y bunsod na rin ng matinding pagkawasak ng mga nasabing lugar  dala ng Severe Tropical Storm “Paeng.”
Nauna rito,  nagpalabas ang Pangulo ng Proclamation No. 84,  inaatasan ang lahat ng concerned government departments at agencies na ipagpatuloy ang implementasyon ng “rescue, relief, and rehabilitation measures” sa mga lugar na labis na naapektuhan ni  “Paeng”.
“All departments and other concerned government agencies are also directed to coordinate with the LGUs to provide or augment the basic services and facilities of affected areas,” ang nakasaad sa proklamasyon na tinintahan para sa Pangulo ni  Executive Secretary Lucas Bersamin.
Nakasaad sa nasabing proklamasyon na “the President may include other areas in the declaration of a state of calamity if warranted, taking into consideration the continuing damage assessment in affected areas based on the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) and the conditions provided by law.”
Matatandaang,  tanggihan  ng Pangulo ang mungkahi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na isang taong state of calamity para sa buong Pilipinas.
Sa ulat, umabot na sa 121 ang namatay dahil sa nagdaang severe tropical storm,  103 naman ang nasugatan at 36 naman ang nawawala.
Dahil dito, pumalo na sa 3.18 milyon ang apektadong mga residente nito, ayon sa NDRRMC.
Maliban pa diyan, nagdulot din ito ng P1.27 bilyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura. Bukod pa riyan, lagpas P896 milyon na rin ang estimated cost of damage sa infrastructure sa ngayon.
Kinalampag naman ang lahat ng kagawaran at ahensiya na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para makapagbigay ng karagdagang basic services at facilities saa mga naapektuhan lugar.
“Law enforcement agencies, with support from the Armed Forces of the Philippines, are directed to undertake all necessary measures to ensure peace and order in affected areas,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Sinasabing, epektibo ring nagpapatupad ng “automatic price control” sa mga batayang pangangailangang ibinebenta sa mga lugar na nasasakupan ng state of calamity, ayon sa R.A. 7581.
Samantala, hangga’t hindi  binabawi ng Pangulo ang price control sa basic necessities ay magiging epektibo ito sa loob ng 60 na araw. (Daris Jose)
Other News
  • Pinay tennis player Eala, pasok na sa quarterfinals ng 2020 Junior French Open

    PASOK na sa quarterfinals ng 2020 Junior French Open si Filipina tennis player Alex Eala.   Ito ay matapos talunin si Leyre Romero Gormaz ng Spain sa score na 6-1, 4-6 at 6-1.   Tinapos ng 15-anyos na si Eala ang laro sa loob ng isang oras at 48 na minuto. Susunod na makakaharap naman […]

  • Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara

    MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees. Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15. Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan […]

  • Bonggang regalo sa kanyang 40th birthday: MARIAN, waging best actress sa ‘Cinemalaya XX’ at ka-tie si GABBY

    WAGING-WAGI si Marian Rivera dahil siya ang tinanghal na best actress sa 20th Cinemalaya Film Festival noong Linggo, August 11, bisperas ng kanyang ika-40 na kaarawan.       Dahil ito sa mahusay na pagganap bilang Teacher Emmy sa Balota, na certified box-office hit kasama ang Gulay Lang, Manong! at The Hearing.       […]