• January 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM nagpaabot ng pakikiisa sa pagdiriwang ng bagong taon, pinuri katatagan ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon sa buhay

NAGPAABOT ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Pilipino sa loob at labas ng bansa sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng pagkakataong ito upang matuto mula sa nakaraan at gamitin ang mga aral para sa patuloy na pag-unlad ng bawat isa.
Tinukoy ng Chief Executive ang mga pagsubok na hinarap ng bansa nitong nakaraang taon, kabilang na ang mga kalamidad na aniya’y nakaapekto sa maraming komunidad.
Gayunpaman, pinuri niya ang katatagan ng mga Pilipino at ang diwa ng bayanihan na, ayon sa Pangulo, ay naging daan upang malampasan ang mga ito.
Giit ng Presidente, sa kabila ng mga hamon ay ipinakita ng ating mga kababayan ang hindi matatawarang lakas na dulot ng pagkakaisa at pagtutulungan na aniya’y nagsilbing inspirasyon sa ating patuloy na pagbangon.
Sa pagsalubong sa taong 2025, nagpahayag ang Punong Ehekutibo ng kanyang panibagong pag-asa at kumpiyansa lalo pa’t ang ating mga karanasan aniya ang gagabay sa atin tungo sa pagbuo ng isang kinabukasang puno ng pangako at layunin.
Kasabay nito, hinikayat din ni Pangulong Marcos ang lahat na patuloy na magkaisa, magtulungan, at ipakita ang diwa ng malasakit sa kapwa.
Aniya, sa ganitong paraan ay mas mapapatatag ang ugnayan ng sambayanan at mas mapapabilis ang pagbangon at pag-unlad ng ating bansa.
( Daris Jose)
Other News
  • Fernando mandates temporary suspension of mining activities, demands DPWH, LTO, PNP, HPG to help crackdown overloading

    CITY OF MALOLOS – To address the ongoing issue on dilapidated roads and over-mining in the province, Bulacan Governnor Daniel R. Fernando issued Executive Order No. 21 which mandated the temporary suspension of all mining permits, quarrying, dredging, desilting and other type of mineral extractive operations within Bulacan.     During the dialogue with the […]

  • PDU30 nagpabakuna na!

    Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.     Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.     Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte […]

  • Operating hours ng MRT at LRT, gawing hanggang hatinggabi

    HINIKAYAT ni Akbayan Party list Rep. Perci Cendaña ang Department of Transportation (DOTr) na ikunsidera ang pagpapalawig sa operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 hanggang hatinggabi mula sa kasalukuyang alas-10:30 ng gabi.       Ayon sa mambabatas, hindi na sapat ang kasalukuyang operating hours ng naturang mga mass transit lines para serbisyuhan ang libong […]