PBBM, nagpahayag ng pakikidalamhati, simpatiya sa pangatlong Filipino victim sa Israel-Hamas conflict
- Published on October 18, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre, pangatlong Filipino na nasawi sa labanan sa pagitan ng Hamas militants at Israeli forces, na agad na iuuwi ang labi nito sa oras na buksan na ang humanitarian corridor sa mga apektadong sibilyan.
Si Alacre, 49 taong gulang, isang caregiver, ay kabilang sa mga Filipino na naunang napaulat na nawawala nang atakihin ng militant Hamas ang Israel mula sa Gaza strip.
Kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers (DMW) at kagyat na ipinaalam sa pamilya Alacre, araw ng Biyernes, na ang biktima na nagtatrabaho bilang caregiver sa Haifa at Tel Aviv, ay nasawi.
Sa telephone call sa kapatid ng biktima, personal na nagpaabot ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Marcos at nagsabi na ang DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagbibigay ng lahat ng kakailanganing tulong SA mga apektado ng armed conflict.
Sinabi ng Pangulo na nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa kung paano pauuwiin ng Pilipinas ang labi ni Alacre.
“May assistance para sa pamilya, pero lahat ng kailangang gawin para maiuwi na (ang iyong kapatid) ay gagawin na muna namin. Iyon lamang, hinihintay muna natin kung ano ‘yung magiging sitwasyon doon sa Israel dahil talagang napakagulo masyado ngayon at sarado lahat,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Tulungan ka namin. Basta’t nandito ang gobyerno. Lahat ng mga embassy natin naka-alert naman, alam nila ang sitwasyon mo … lahat nga gusto nang umuwi kaya ‘yun na muna ang inayos namin at basta’t mabigyan tayo ng pagkakataon ay iuuwi na namin silang lahat,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hinihintay ng Philippine ambassador to Egypt para sa positioning feedback para sa posibleng pagbubukas ng humanitarian corridor upang kaagad na masimulan ng pamahalaan ang repatriation efforts. (Daris Jose)
-
Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai
PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra. Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may […]
-
DOTr: Subway Project 26% complete
Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027. “The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the […]
-
BATAS SA GAME FIXING, INIHAIN SA KAMARA
MALALIM na usapin ang game-fixing, ngunit walang pangil ang batas para maabatan ang isyu. Nagkakaisa ang Mababang Kapulungan na napapanahon na para mapagtibay ang batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga opisyal, coach, player at sinumang sangkot sa game-fixing. Ito ang nilalaman ng dalawang bill sa Kongreso na sisimulang talakayin sa House Committee on […]