PBBM, nagpalabas ng AO nagbibigay mandato sa episyenteng energy utilization sa mga tanggapan sa gobyerno
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng administrative order (AO) na direktang inaatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na pabilisin ang implementasyon ng Government Energy Management Program (GEMP) para masiguro ang “efficient and judicious utilization” ng enerhiya.
Ang Administrative Order No. 15 ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay ipinalabas ng Malakanyang araw ng Martes, Enero 16, 2024.
“All agencies and instrumentalities of the National Government, including government-owned or -controlled corporations are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to undertake efforts to ensure efficient and judicious utilization of energy,” ang nakasaad sa AO, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“For this purpose, all concerned government agencies shall accelerate the implementation of GEMP and relevant IAEECC Resolutions,” tinutukoy ang Inter-Agency Energy and Efficiency Conservation Committee kung saan ang Department of Energy (DoE) ang tumatayong chairman.
Ang GEMP ay isang government-wide program na naglalayong bawasan ang monthly consumption ng gobyerno sa elektrisidad at petroleum products sa pamamagitan ng episyenteng paggamit at pagtitipid sa enerhiya at langis.
“It will be carried out by conducting energy audits from Certified Energy Auditors, and cooperating with random energy spot-checks, submitting an inventory of existing energy consuming equipment, ensuring compliance with the DOE Guidelines on Energy Conserving Design of Buildings, and the Philippine Green Building Code for new building construction,” ayon sa AO.
Bahagi rin ng Inisyatiba ang pag-adopt sa low-cost Energy Efficiency and Conservation (EEC) measures kasama ang GEMP at i-institutionalize ang EEC sa kani-kanilang tanggapan.
“Consistent with IAEECC Resolution No. 5 (s. 2022) or the GEMP Guidelines, government agencies were directed to establish a mechanism for monitoring the energy consumption in their respective offices, and adhere to the reportorial requirements of the DOE,” ayon sa ulat.
Samantala, sa pakikipagtulungan sa PCO, ang DOE ay dapat na mag-develop ng epektibong paraan para maipabatid ang EEC measures sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at sa publiko. (Daris Jose)
-
Bukod kina Dingdong at Julie Anne na napili: BARBIE, labis na napahanga si Mr. M kaya gustong makatrabaho
SI Johnny Manahan o si Mr. M ay isang consultant sa GMA Sparkle Artist Center, at director din ng ongoing singing contest na “The Voice Generations” hosted by Dingdong Dantes. At si Julie Anne San Jose naman ang isa sa apat na coaches na kinabibilangan din nina Chito Miranda, Billy Crawford at Stell […]
-
ELLEN, priority pa rin ang anak kahit nagbalik-sitcom na; first and only choice ni JOHN
BILANG line-producer ng sitcom na John en Ellen for CIGNAL TV, pwedeng mamili si John Estrada kung sino ang gusto niyang partner. First and only choice ni John si Ellen Adarna although worried baka hindi ito ready magbalik-acting. “The role is really meant for her but I was afraid that […]
-
Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO
RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang infrastructure projects ng pamahalaan. Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din […]