• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpalabas ng EO para baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang produkto

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order na naglalayong baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang kalakal para pahinain ang ‘inflationary pressure’ at protektahan ang ‘purchasing power’ ng mga Filipino.

 

 

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ang ilang kalakal gaya ng ‘animal products, plants, pharmaceutical needs, chemicals, etc. ay kailangan na i-subject sa Most Favored Nation (MFN) rates ng duty, kung ano ang ipinangako ng ibang bansa para ipatupad sa imports mula sa ibang miyembro ng World Trade Organization (WTO).

 

 

“There is a need for a new multi-year and comprehensive tariff schedule that will provide a transparent and predictable tariff structure, and allow businesses to engage in medium- to long-term planning to improve productivity and competitiveness, facilitate trade, and enhance consumer welfare,” ang nakasaad sa EO.

 

 

“The implementation of an updated comprehensive tariff schedule aims to augment supply, manage prices, and temper inflationary pressure of various commodities, consistent with the Philippine national interest and the objective of safeguarding the purchasing power of Filipinos,” dagdag nito.

 

 

Matatandaang, una nang inaprubahan ng NEDA Board ang Comprehensive Tariff Program 2024-2028 na layong mapababa ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

 

 

 

Sa ilalim ng programang ito, mananatili ang kasalukuyang taripa sa mahigit kalahati ng mga produktong agrikultural at industriyal.

 

 

 

Samantala, ibababa naman ang taripa sa ilang kemikal at coal briquettes upang mapabuti ang seguridad sa enerhiya at mabawasan ang gastos sa produksiyon.

 

 

Pinakamalaking bawas-presyo ang inaasahan sa bigas, dahil mula sa dating 35%, ibababa sa 15% ang taripa nito. Layon nitong mapagaan ang gastusin ng mga Pilipino, lalo na’t malaki ang ambag ng bigas sa inflation rate.

 

 

Bukod sa bigas, mananatili rin ang mas mababang taripa sa iba pang produktong agrikultural gaya ng mais, baboy at deboned meat.

 

 

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang bagong tariff program ay hakbang upang masiguro ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin, mapatatag ang presyo, at maitaguyod ang seguridad sa pagkain. (Daris Jose)

Other News
  • Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

    IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.   Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.   “Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw […]

  • QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols

    Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).   Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.   Sa […]

  • Mga manlalaro asikaso maski may pandemya

    LABIS na nalungkot pero naging pagsubok kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch’ Ramirez ang sinapit ng mga national athlete at mga kawani ng ahensya sa hirap na dulot at epekto ng Coronavirus Disease 2019.   “After the 30th Southeast Asian Games last year, we have resolved many gaps, which are now over,” ayon […]