• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.

 

 

“The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. Bacarro to wind down at the SOLCOM and provide him with the transition to his new position in Camp Aguinaldo,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Nagtapos sa Philippine Military Academy, si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre  18, 1966 sa San Fernando, La Union. Nagtapos siya sa upper quartile ng PMA “Maringal” Class of 1988.

 

 

Sinabi ni Cruz- Angeles na si outgoing CS-AFP Gen. Andres Centino, kaklase ni  Bacarro sa PMA, ay kandidato naman para sa isang bagong posisyon na akma sa kanya.

 

 

Ang Republic Act 11709, tinintahan ni dating Pangulong Duterte noong Abril 13 ngayong taon “sets a fixed three-year tour of duty for the AFP chief of staff, vice chief of staff, the deputy chief of staff, the major service commanders (Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy), unified command commanders, and inspector general “unless sooner terminated by the President.”

 

 

“Based on RA 11709, Gen. Bacarro will be the first CSAFP to be given a fixed three-year term,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si Bacarro ay kabilang sa PMA Maringal Class of 1988.

 

 

Siya rin ang kauna-unahang hepe ng AFP na makakabenepisyo sa bagong fixed three-year term para sa mga AFP chief of staffs.

 

 

Sa kabilang dako, itinalaga naman  si Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong PNP chief.

 

 

Si Azurin ay ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon at mayroon pang isang taon sa serbisyo.

 

 

Sina Azurin at PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon ay kapwa kabilang sa PMA Class of 1989.

 

 

Samantala, itinalaga naman  bilang Director ng National Bureau of Investigation ang long-time asssitant director sa tanggapan na si Medardo de Lamos.

 

 

“Director De Lemos rose from the ranks and his appointment as NBI Director is a strong indication of President Marcos’ commitment in strengthening the system of ‘meritocracy’ in the promotion, placement and hiring of government personnel,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si De Lamos ay ang kasalukuyang OIC na pumalit kay dating director Eric Distor na appointee naman ng dating administrasyon.

 

 

Siya rin ang itinuturing na pinaka-senior official sa NBI at nagsilbi sa tanggapan sa loob ng halos apat na dekada. (Daris Jose)

Other News
  • Say pa niya, ‘one day the whole truth will prevail’: TOM, dinaan sa ‘cryptic post’ nang makatanggap ng ‘gag order’ mula kay CARLA

    NAKATANGGAP pala ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez ng “gag order” mula sa asawa at Kapuso actress na si Carla Abellana.     Ibinunyag nga ito ni Tom sa kanyang Instagram account few days ago, na ngayon ay deleted na, sa pamamagitan ng isang cryptic post na larawan ng ‘atomic bomb’.     Caption […]

  • PBA player na unang nagpositibo sa COVID-19, nag-negatibo na sa antigen test

    NAGNEGATIBO na COVID-19 sa isinagawang antigen test ang manlalaro na naunang nagpositibo sa virus.   Ayon kay PBA Deputy Commissioner Eric Castro, na hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR swab test ng manlalaro mula sa Blackwater.   Itinuturing na kahalintulad din ng nangyari sa isang referee na Carly abala sa gym KAHIT hindi pa nagbabalik […]

  • PBBM namahagi ng cash aid sa mga mangingisdang Navoteño

    NAKATANGGAP ng P7,500 cash assistance ang mga rehistradong mangingisda sa Navotas mula kay Pangulong Bongbong Marcos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Septembre 13.     Ang P43,415,000 na pondo sa ilalim ng Presidential Assistance to Fisherfolks Affected by Oil Spill ay ipapamahagi sa humigit-kumulang 4,000 Navoteñong mangingisda na nakikibahagi sa small and medium-scale […]