PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO
- Published on September 21, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).
Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development; Maria Paula Bautista Domingo bilang Assistant Secretary for Administration and Procurement; at Mark Steven Pastor bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure.
Itinalaga rin sina Jesus Nathaniel Martin Bermejo Gonzales bilang DOTr Assistant Secretary for Finance and Comptrollership; Ma. Marisa Malabag bilang Director III for Comptrollership Service; Zenaida Biteng bilang Director III for Procurement Management Service; at Joel Laguerta bilang Director III for Planning Service.
Ang mga nasabing opisyal ay nanumpa na sa kanilang tungkulin araw ng Biyernes, Setyembre 16 sa harap ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
-
Isa sa itinuturing na pinakamayamang aktor sa ‘Pinas: COCO, mukhang desidido na sa pagbili ng property sa Spain
KINUMPIRMA sa amin ng isang friend ABS-CBN insider ang sinasabing may bibilhin ng isang property si Coco Martin sa Spain. On negotiation at pinag-aralan na raw ng abogado ng aktor ang bibilhin na isang house and lot na located sa isang magarang subdivision sa naturang bansa. Hindi naman magkaroon ng problema si Coco. […]
-
US bibili ng 500-M doses ng bakuna laban sa COVID-19 para ipamahagi sa mga bansa
Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon. Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022. Ang hakbang ay kasunod na pressure […]
-
1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO
TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima. Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong […]