PBBM, nakakuha ng iskedyul para makapulong si Canadian PM Trudeau
- Published on November 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa sidelines ng 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Cambodia.
“I just made a schedule with Trudeau… I’ve never met with him so I suppose it’s just going to be an introductory one,” ayon kay Pangulong Marcos.
Dumating si Pangulong Marcos sa Cambodian capital ng alas-6:45 ng gabi (Cambodia time).
Binanggit naman ni Pangulong Marcos ang posibleng pakikipag-usap kay French President Emmanuel Macron ukol sa nuclear power.
“Macron of France, I’ve spoken to him twice already… Siguro we can move forward on the details of the things that he’s thinking about,” ani Pangulong Marcos.
“Remember also we’ve been talking about nuclear power. France is 67% nuclear power… So they’re very well-practiced when it comes to that,” dagdag na wika nito.
Inaasahan naman na makakapulong ni Pangulong Marcos ang iba pang ASEAN leaders at key multilateral and international organizations sa panahon ng summit na nakatakda mula Nobyembre 10 hanggang 13.
Tracking team ng Philippine National Police, nakahanda na para sa paghahanap sa mga dawit sa kaso ni Percy Lapid
Ipinahayag ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nakahanda na ang kanilang tracker team para sa pagtugis sa mga personalidad na sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Aniya, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang ilalabas na warrant of arrest ng korte para sa pormal na paghahanap sa mga suspect sa naturang kaso na kinabibilangan nina Bureau of Corrections chief Director General Gerald Bantag, SJ02 Ricardo Zulueta at iba pang mga dawit na opisyal.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines ay sinabi ni Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo na kasalukuyan na rin nilang vinavalidate ang mga impormasyong nakuha ng Special Investigation
Task Group Percy Lapid hinggil sa tatlo pang kasamahan ng self confessed gunman na si Joel Escorial na sina Israel at Edmond Dimaculangan at si alyas Orly.
Ngunit dagdag pa ni Fajardo, patuloy pa rin aniya ang panawagan nina PNP chief Azurin at Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa naturang mga suspek mula kay Bantag hanggang sa mga kasamahan ni Escorial na sumuko na at kaharapin ang kanilang kaso.
At kung sakaling wala aniya talagang kinalaman ang mga ito sa naturang kaso ay as mabuting magpakita ang mga ito ng ebidensya upang linisin ang kanilang mga pangalan.
Una rito ay ipinahayag ng pambansang pulisya na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na mayroong mas mataas pang opisyal kaysa kay director general Bantag ang posibleng nasa likod ng pagpatay kay Lapid.
Anila, bukas ang Philippine National Police sa pagsasagawa ng preliminary investigation at sa actual trial kung saan opisyal nang maisasampa sa korte ang mga kaso laban sa mga ito.
Kasabay ng posibilidad sa paglabas ng iba pang mga ebidensyang magtuturo as iba pang tao na may kinalaman sa naturang kaso.
Kung maaalala, sinabi ni NBI supervising agent Atty. Sinabi ni Eugene Javier na nakakatanggap sila ng intelligence reports tungkol sa isa pang umano’y mastermind, ngunit hindi umano niya maaaring ibunyag ang impormasyong ito na hindi pa nabeberipika. (Daris Jose)
-
P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA
SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura. Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño. Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000. […]
-
Functions ng bagong tatag na presidential chief of staff, inilatag ng Malacanang
INISA-ISA ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOSS), kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang […]
-
Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo
NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa. Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng […]