PBBM, nakiisa sa pagsisimula ng Ramadhan
- Published on March 24, 2023
- by @peoplesbalita
NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Muslim community sa bansa at sa buong mundo sa pagsisimula ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, ng Holy Month of Ramadhan.
“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Filipino Muslim community here and around the world as they welcome and observe the Holy Month of Ramadhan,” ayon sa mensahe ng Pangulo.
Ngayon aniyang panahon ng “fasting, prayer, and almsgiving” ay oportunidad na katawanin ang kahalagahan ng disiplina, paggalang at pagpapakumbaba.
“The spiritual that the gate of Heaven is open during this sacred month calls upon our brothers and sisters to purify their souls against the perils of worldly pleasures as well as seek for forgiveness and peace,” ayon sa Pangulo.
Sa pagitan aniya ng panalangin sa Panginoong Diyos para sa mga “answered prayers” at hiling na manatili ang biyaya, marapat din aniya na isama sa pang-araw -araw na panalangin ang mga dumaranas ng “deep distress” dahil sa pagkagutom, natural calamities, at hindi kanakanais na mga pangyayari.
“The rituals and services during Ramadhan remind us of our shared moral obligation -regardless of faith – to compassionately take care of each other, uphold our human dignity, and stand in solidarity,” aniya pa rin.
“As a nation enriched with cultural diversity, let us allow our hearts to embrace the profound truth that respect conquers divisions, understanding obliterates prejudice and love prevails over all,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing “I wish you a solemn and blessed observance.” (Daris Jose)
-
Ads May 3, 2021
-
‘TWBU’, nasa number 3 spot ng Netflix PH: ALDEN, masaya sa sunud-sunud na tagumpay ng mga projects sa GMA
MASAYA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa sunud-sunod na tagumpay ng mga projects na ginawa niya sa GMA Network. Matapos mag-open last June 17 sa Netflix PH ang romantic-drama teleserye na The World Between Us, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang good news ay nasa number 3 spot na sila sa Top 10 shows. […]
-
Ka-level na ang mga naglalakihang stars ng ‘Beautederm’… Social media star na si ZEINAB, opisyal nang brand ambassador
WINNER ang newest brand ambassador ng Beautéderm Corporation ng kung saan nagsimula na ang kanilang month-long 13th anniversary celebration. Opisyal na ngang ni-launch noong Sabado, August 6, ang social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador ng Koreisu Family Toothpaste (na may whitening variant din) at Etré Clair (na may […]