• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakipagpulong sa BARMM governors para pag-usapan ang kapayapaan at kasaganahan — PCO

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga gobernador ng Bangsamoro region para talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa daan patungo sa kapayapaan at kasagaan sa autonomous area.

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) The PCO, kasama ng Pangulo sa naturang pagpupulong sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Mindanao Development Authority Chairman Leo Magno kasama ang mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

“A wide range of issues, centering on peace and prosperity in the region, were discussed during the meeting,” ayon sa PCO.

 

Ang pahayag na ito ng PCO ay isang araw matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa first-ever parliamentary elections sa BARMM sa 2025 ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 4.

 

Nauna rito, sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chair George Garcia na nag-deploy na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng kani-kanilang mga tauhan sa Bangsamoro region para tumulong na tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa BARMM COC filing process mula Nov. 4, araw ng Lunes, hanggang Nov. 9, araw ng Sabado.

 

Sa kabila ng winelcome naman niya ang pagtaas ng kamalayan ng pulis at militar, binigyang diin ni Garcia na hindi ito dapat tignan bilang tanda na kinokonsidera ng gobyerno ang BARMM bilang ‘hotbed’ para sa poll violence.

 

Sa nasabi pa ring pagpupulong, nagkaroon sina Pangulong Marcos at ang mga dumalo ng “productive and frank exchange of ideas on how to move forward the government’s development agenda for the Bangsamoro people” kasunod ng naging desisyon ng Korte Superma na nagdedeklara na ang Sulu ay hindi bahagi ng territorial jurisdiction ng BARMM.

 

Sinabi pa ng PCO na ang naturang pulong ni Pangulong Marcos sa BARMM leaders ay ‘consistent’ sa layunin ng administrasyon na ‘inclusive consultations’ sa lahat ng stakeholders.

 

“That kind [of] meeting with local leaders has been conducted by Malacañang officials since Day One of this administration pursuant to its vow to directly and regularly consult local leaders regardless of political affiliation,” ang sinabi pa ng PCO. (Daris Jose)

Other News
  • Poland naalarma sa missile attack ng Russia sa border, NATO member countries inalerto

    NANINIWALA ang deputy foreign minister ng Poland na si Marcin Przydacz, na ang missile attack ng Russia malapit sa kanilang border ay bahagi ng banta sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).     Una nang napaulat na 35 katao ang patay sa naturang missile strike sa Yavoriv training base, may 20 kilometro lamang ang layo […]

  • Ads October 12, 2020

  • ANDREA, nakabibilib sa pag-handle ng break-up at pag-move on kay DEREK na mabilis na nakahanap ng kapalit

    HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila.     And months after, may nahanap na agad na kapalit ni Andrea ang actor, na as we all know, ang ina ng anak ni John Lloyd […]