• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture

UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.

 

 

Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo.

 

 

Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa  Filipino community sa kanyang pagdating sa  Indonesian capital.

 

 

“This is to once again put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong partnerships which are necessary for us to come out of the post-pandemic economy,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo bago ang kanyang pag-alis.

 

 

“So I leave to undertake my first state visit to our immediate neighbors, Indonesia and Singapore. In other words, ako’y mangangapit-bahay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Magsisimula ang aktibidad ng Pangulo sa  Indonesia ngayong araw, Setyembre 4 hanggang 6, bilang tugon na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo.

 

 

Inaasahan na pag-uusapan ng dalawang lider ang “active and multifaceted cooperation in defense, maritime border security, economic development, and people-to-people exchanges.”

 

 

“We’ll be discussing the current state and the future as we see it of the bilateral relationship between the Philippines and Indonesia and the changing geopolitical environment,” ayon sa Pangulo.

 

 

Para naman sa  Department of Foreign Affairs (DFA), masasaksihan din nina Marcos at Widodo ang paglagda ng ilang mahahalagang kasunduan sa larangan ng depensa at kultura at ang komprehensibong plano ng aksyon, na magtatala ng mga bilateral na prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.

 

 

Inaasahan ding babanggitin ni Pangulong Marcos ang kaso ni Mary Jane Veloso sa mga opisyal ng Indonesia.

 

 

Wika ng DFA, habang hinimok ng pamilya Veloso ang Pangulo na umapela para sa executive clemency.

 

 

Samantala, kabilang sa delegasyon ni Pang. Marcos sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, and Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

 

 

“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,”ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy

    Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente.       Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM […]

  • Pagdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila, kinokonsidera sa araw ng inagurasyon ni BBM – PNP

    KINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na magdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-Elect Bongbong Marcos Jr.       Subalit nilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng Sonshine Radio na wala pa talagang klaro na desisyon hinggil dito.       “Isa rin po […]

  • Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor

    Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.     Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay […]