• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nananatiling tikom ang bibig sa kung sino ang susunod na magiging Kalihim ng DILG

MAY DALAWANG personalidad ang nasa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipalit kay Benhur Abalos bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

Nalalapit na kasi ang pagbibitiw sa puwesto ni Abalos dahil maghahanda na siya sa kanyang pagtakbo bilang senador sa midterm elections sa susunod na taon.

 

Si Abalos ay bahagi ng senatorial slate ng administrasyong Marcos, Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.

 

Sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Pangulong Marcos kung sino na ang kanyang napili na iuupo bilang magiging bagong Kalihim ng DILG.

 

“Oo, pabayaan muna natin si Secretary Abalos na… I don’t want him to feel that we are pushing him away,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sinabi pa niya na sa oras na maghain na ng kanyang kandidatura si Abalos , kagyat niyang ia-anunsyo ang magiging kapalit nito.

 

”Since considering — especially that he has done such a good job as DILG. So, when he will file, we will also announce his replacement,” ang winika ng Pangulo.

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na narinig na niya ang posibleng ipapalit sa kanya bilang hepe ng DILG.

 

 

Hindi naman nito pinangalanan ang nasabing personalidad, subalit sinabi ni Abalos na ang desisyon ay nasa Pangulo pa rin.

 

“Yes, I have to resign… siguro the day after filing, magre-resign na po ako,” ayon kay Abalos.

 

“I’ve heard of several names na papalit po sa akin, siguro hindi ko lang puwedeng sabihin… naririnig ko lang naman pero nasa Pangulo na po ito,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • NAGPANGGAP NA EMPLEYADO NG SC, INARESTO

    INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI)-Cybercrime Division (CCD) ang isang indibidwal na nagpanggap na empleyado ng Supreme Court (SC) dahil sa pag-aalok ng non-appearance services para sa annulment cases.     Ayon sa NBI-CCD, kinilala ang suspek na si Jay Ann Balabagno alyas Jay Ann Anderson sa Fairview ,Terraces ,Quezon City.   […]

  • Ej Obiena nagtapos sa ika-4 na puwesto sa Berlin Tournament

    Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ISTAF Berlin Tournament sa Germany.     Nabigo kasi ito sa 5.81-meter mark na talunin sa nasabing torneo.     Pawang mga Americans ang nakakuha sa una hanggang pangatlong puwesto na pinangunahan ni Sam Kendricks, Christopher Nilsen at KC Lightfoot.     Magugunitang […]

  • Yulo tumanggap ng higit P14 milyon cash prize sa Kamara

    TUMANGGAP si Pinoy Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ng mahigit P14-M cash sa Kamara habang tig P3.5-M ang dalawang boxers na nakasungkit ng bronze medal sa katatapos na Paris Olympic 2024.     “You are our heroes, there is no limit to what we can achieve,” pahayag ni Romualdez.   Ginawaran din si Yulo […]