• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nanawagan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa BIMP-EAGA

NANAWAGAN si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pakikipagtulungan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para mas makasulong at umunlad pa ang rehiyon.

 

 

“BIMP-EAGA provides our common sub-region, which has long been impaired by strife, with better access to viable economic opportunities,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang interbensyon sa  15th BIMP-EAGA Summit sa Indonesia.

 

 

“So, let us continue this impetus for growth in BIMP-EAGA and thereby position our very own sub-region as a well-connected, economically thriving, multi-country trade, investment, and tourism destination. There lies our future,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo,  suportado ng gobyerno ng Pilipinas na pagtuunan pa ng pansin ang  BIMP-EAGA Vision 2025 sa mas malawak na estratehiya, layon nito na ihanay sa sub-regional pandemic recovery at transformation efforts kasama ang ASEAN Comprehensive Recovery Framework, partikular na sa larangan ng food security, creative industries at e-commerce, tourism recovery, at green recovery.

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang  COVID-19 pandemic at gulo sa Ukraine ay nagpakita ng pangangailangan na  “to maintain the physical connectivity that underpins the region’s extensive and comprehensive logistics chain in all its aspects.”

 

 

“Our collective effort towards rebuilding the air and sea linkages disrupted by geopolitical challenges and the pandemic still remains the key towards our full economic recovery,”  lahad ng Punong Ehekutibo.

 

 

Binigyang diin pa ng Chief Executive ang kahalagahan ng  “synergies at partnerships” ng BIMP-EAGA sa external partners, gaya ng  Asian Development Bank, Japan,  Republic of Korea, China, at Northern Territory of Australia.

 

 

Samantala, winelcome naman ng Pangulo ang BIMP-EAGA-Korea Cooperation Fund (BKCF) at ang itinaas na kontribusyon ng Republic of Korea mula  US$1 million noong  2021 na naging  US$3 million noong 2022.

 

 

Ang BIMP-EAGA  ay inilunsad noong 1944 upang pasimulan  ang kooperasyon sa mga estadong miyembro ng ASEAN, saklaw ng BIMP-EAGA ang buong Brunei Darussalam, sampung probinsiya sa mga isla ng Indonesia na Kalimantan, Sulawesi, Maluku, at Irian Jaya; Sabah, Sarawak, at Labuan sa Malaysia; at ang Mindanao at Palawan.

 

 

Ang sub-grouping na ito ay magdudulot ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapaigting ng intra-EAGA trade, tourism, at mga investment.

 

 

Ang Mindanao Development Authority ay magsisilbing Philippine Coordinating Office para sa BIMP-EAGA sa ilalim ng Republic Act 9996, ang Mindanao Development Authority Act of 2010. (Daris Jose)

Other News
  • 4 hrs/day teaching time, hirit ng mga guro

    UMAAPELA  ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers at gawin itong apat na oras na lamang kada araw.     Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na […]

  • Wala nang “for later release” o FLR sa 2023 National Budget

    INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez, na mismong si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang nagsabi na wala ng FLRs sa susunod na taon.     Kasunod ito ng pag-ratipika ng Kamara sa panukalamg pambansang pondo para sa susunod na taon.     Matatandaan na marami sa mga mambabatas ang kumuwestiyon sa FLR na ipinatupad sa […]

  • POGO ‘one big happy Pharmally’ – Hontiveros

    NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may ugnayan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pharmally.       Sa huling pagdinig ng Senado, napa “oh my, God” si Hontiveros matapos na lumabas na kung sinu-sino ang key players na nasa likod ng kontrobersyal na umano’y POGO ni Guo […]