PBBM, nanawagan ng “pagkakaisa” para matiyak ang full labor market recovery
- Published on December 11, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pagkakaisa sa mga empleyado, labor workers, at iba pang stakeholders para matiyak ang full recovery ng labor market sa gitna ng economic challenges.
Ginawa ng Pangulo ang kanyang panawagan na ito sa isinagawang “DOLE@90 Stakeholders’ Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat” idinaos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, araw ng Huwebes.
Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin nito ang pangangailangan na lumikha ng mas marami at de-kalidad na hanapbuhay para makamit ang nilalayon nito na magkaroon ng “New Philippines.”
“As we pursue a progressive and inclusive Bagong Pilipinas, I thus call on everyone – employers, workers, government, and stakeholders alike – to remain united in ensuring the full recovery of the labor market,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati na binasa naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“So, let us continue to work together to produce not only more jobs but also quality and meaningful employment that will uplift the lives and dignity of every Filipino worker,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagpo-promote ng mapakikinabangan na employment opportunities at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa para sa 90 taon.
“This shows not only the enduring spirit of public service that prevails here at the DOLE, but also your steadfast commitment to ensuring full, decent, and productive employment for every Filipino worker,” aniya pa rin.
Kinilala naman ng Chief Executive ang awardees at government partners at pinagtibay ang labor protection at industrial peace bilang isa sa mga prayoridad ng administrasyon.
Nanawagan naman ito sa mga awardees na panatilihin ang kanilang adbokasiya at magbigay ng inspirasyon sa bawat isa na lalo pang magsikap na magtayo ng “strong and resilient workforce.”
“Rest assured that promoting labor protection and industrial peace remain among the top priorities of this administration, as they are the keys to developing the full potential of our workers and harnessing their productivity towards nation-building,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang event ay bahagi ng weeklong celebration ng ika-90 founding anniversary ng DoLE.
Ang tema ng pagdiriwang ng anibersaryo ngayong taon ay “Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas” at may kasama na pagsasagawa ng nationwide job fairs, pagpapalabas ng payouts sa mga benepisaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at Kadiwa ng Pangulo para sa mga Manggagawa.
Ang DOLE ay nagsimula bilang ahensiya noong 1908 sa ilalim ng datng Department of Commerce and Police. Itinatag ito bilang departamento sa ilalim ng Act 4121 noong Disyembre 8, 1933.
(Daris Jose)
-
Presyo ng kandila at bulaklak, mataas na
RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak , ilang araw bago ang paggunita ng Undas. Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 . Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large […]
-
ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’
KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7. In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras. Happy […]
-
Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok
LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan. Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa […]